Archive for May 30th, 2006

Lagi mo na lang akong… (Dedme)

Ito ang rip-off version ni Kulas sa awit na Lagi mo na lang akong dinededma by rocksteddy.

Matagal ko ng gustong malaman mo
Matagal ko ng itinatago-tago ‘to
Nahihiyang magsalita
At umuurong aking dila
Pwede bang bukas na
Ipagpaliban muna natin ‘to

Dahil kumukuha lang ng tiyempo
Upang sabihin sa iyo

Chorus
Wala na akong pera, pero ‘di mo lang alam
Butas na Bulsa ko, pero ‘di mo lang ramdam
Alam mo yon, kahit ‘di mo na ako tinitignan
Grabe ka, kahit ‘di mo lang alam, ohwoh..

Matagal ko ng gustong sabihin ‘to
Matagal ko ng gustong aminin sa’yo
Sandali, eto na
At sasabihin ko na
Ngayon na, mamaya
O baka pwedeng bukas na

Dahil kumukuha lang ng buwelo
Upang sabihin sa iyo

Chorus
Inis na ako, pero ‘di mo lang alam
Bistado na kita, pero ‘di mo lang ramdam
Alam mo yon, kahit ‘di mo na ako tinitignan
Grabe ka, kahit ‘di mo lang alam, ohwoh..

Ngunit kumukuha lang ng tiyempo
Upang sabihin sa iyo

(Bigkasin ng mabilis, wag mo na kantahin to)
Mahal pabili mo pero hindi mo lang alam
Hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan
Ayaw mo naman itanong sa akin
Kasi baka nga naman hindi naman ikaw
At hindi ko rin naman sa’yo sasabihin
Kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw
Pulubi na ako pero hindi nga lang halata
Hindi halata kasi wala naman akong ginagawa
Hindi ako kumikibo, hindi ako nagsasalita, wala!
Pero hindi ako torpe tanga
Hindi ko lang talaga masabi sa’yo ng harapan
Bad Trip ka Mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam
Hindi mo ko titignan, hindi rin kita titignan
Lagi mo lang akong pakikiramdaman
Lagi rin kitang pakikiramdaman
At araw-araw tayong magdededmahan
Hanggang sa tayo ay magkabistuhan
Pero ngayong malapit nang maubos ang datung ko. matapos ang kanta ko
Nais kong magkaalaman na
Nais kong ako na rin ang magsabi sayo ng harapan
Kasi alam kong dun din naman ang tuloy nyan
At dalawa rin lang naman ang posibleng magyari dyan, Mamulubi o mamalimos ako sagot dyan, oo o hinde
Kaya eto na sasabihin ko na para matapos na
At hindi na magka-tsismisan pa
Sasabihin ko na para wala nang problema
At para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa

Chorus
Peste ka, pero ‘di mo lang alam
Bwisit ka, pero ‘di mo lang ramdam
Ayos lang, kahit ‘di mo na ako tinitignan
Mas okey nga Mahal kita, kahit lagi mo na lang akong dinededma

Pasensya na po mga ‘tol (rocksteddy), nakatuwaan lang. Ito ang link sa tunay na music na dedma

3 comments May 30th, 2006


Calendar

May 2006
M T W T F S S
    Jun »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
293031  

Posts by Month

Posts by Category