Archive for June, 2006

Analyze and Synthesize everyone’s idea

Ang likas at natutunan mong kaalamang mag aral at makinig ng ibat ibang pananaw upang makabuo ng isang magandang bagay ay syang magtutulak sa iyo para magtagumpay. — myepinoy

Napabalita sa opisina na uso na naman ang tanggalan. Marami ang kinakabahan at nag-iisip ng kung ano-ano, dahil karamihan sa mga natitirang Pinoy (OFW) ay marami pang obligasyon sa buhay tulad ng mga anak na di pa tapos sa pag aaral, bahay at lote na binabayaran at kung ano-ano pang mga kadahilanan. Sa pananaw ng karamihan, hindi pa sila handa na mawalan ng trabaho lalo na sa panahong ganito.

Continue Reading 18 comments June 29th, 2006

Internet, blogs, life and me

Ang kaibahan daw ng mahirap at mayaman ay diskarte. Ang mahirap nagiging mayaman kung meron diskarte, ang mayaman naman kung walang diskarte, nagiging mahirap.

Ang isang tao, pag masidhi ang pagnanasang matuto o makagawa ng isang bagay mula sa wala, hindi maglalaon, makakagawa at makakahanap sya ng paraan para makamit niya kanyang mithiin.

Naalala ko pa noong nagsisimula pa lang ako magblog. Mahirap pa noon ang sistema ng pagbablog at karamihan meron bayad para magkaroon ka ng espasyo sa internet. Di tulad ngayon na lima singko na ang nag-aalok para gumawa ka ng blog sa kanila at libre pa. Noon din ang blogger.com ay meron pang bayad. Kung libre man meron itong ads sa ibabaw, pantustos daw sa operation nito hanggang mabili ito ng google. At ngayon nga libre na.

Maidagdag ko pa, ang internet connection noon ay limited lang atdi tulad ngayon na nagkalat saan mang sulok maging sa lugar na di mo alam kung saang parte ng mundo, meron ka mababasa na mga blogs.

Continue Reading 9 comments June 26th, 2006

Pahabol sa Father’s Day

Lumipas na ang Araw ng mga ama pero tila yata di mauubusan ng mga makabagbag damdaming kwento tungkol sa mga anak at pamilyang OFW.

Tulad nito, natanggap ko kanina mula sa kaopisina kong si Ka Roger. Habang binabasa ko ito, parang naiisip ko, ito na naman yata ay kwento ng buhay ko. Kwento ng buhay naming mga amang OFW.

Ewan ko, pag minsan naiisip ko, tama kaya ang ginawa kung paglisan sa bayan natin para magtrabaho dito sa lupain ng disyerto at langis. di ko naman masabi kung ganito nga ang nararamdaman ng mga anak ko kasi naman, marami sa mga anak natin di na nag sasalita para siguro di na maragdagan pa ang aming mga isipin.

Ay buhay nga naman.

Meron pa po doon sa sinag blog ko, english naman baka gusto ninyong basahin - “The long wait.

Continue Reading June 20th, 2006

Remember me not

Kahapon, 18 ng Hunyo ay Father’s Day, buong mundo ay nag diwang. Sila ang mga kabataan noon at mga mga Ama ngayon na pinagmumulan ng ating mga kabataan ngayon na pag-asa ng ating bayan. At ganon din, ang mga anak nila, pag dating ng araw ay magiging ama rin.

Ngayon po, 19 ng Hunyo.

Marahil, marami o merong iilan sa atin ngayon, ay nakalimutan na ang araw na ito. Ito po ay araw ng aking kapanganakan. Hindi po naman ako nagdaramdam kung sakaling may mga nakalimot at di na alam ang araw na ito. Naiintindihan ko po ang kanilang mga sitwasyon. Lalo na sa ngayon, lubhang napakihirap na ng buhay at marami sa ating mga kababayan ang naghihikahos, walang makain, walang hanapbuhay, walang tirahang maituturing na tunay na bahay, dumarami ang walang pinag aralan at higit sa lahat, katulad din noon, di nag iba ang kalakaran ng buhay. Marami pa rin ang mga api at pinagsamsamantalahan ng mga naghaharing uri. Nag-iba nga lang ang kulay, anyo at lahi. Hindi na mga banyagang Kastila kundi kauring lahi na dahil sa kasakiman ay nagagawang alipustain ang ating Inang bayan at pagsamantahan ang mga mahihina nating mga kababayan.

Maraming taon na ang lumipas. Maraming bagay na ang nagbago. Maraming kaisipan sa mundo ang ating sinubukan, ginaya at ginawa, pero ganon pa rin ang ating katayuan. Di pa rin nakakaahon ang karamihan sa ating mga kababayan at ang ating inang bayan ay nagdarahop pa rin. Mas masahol pa sa lugmok, nakabaon na sa umalingasaw na putikan.

Marahil di na nga angkop ang mga ipinaglaban ko noon. Marahil di na siguro matutupad ang mga pangarap ko sa bansa natin. Marahil ang tula na ginawa ko noong mga ilang oras bago ako barilin ng mga sundalong Kastila ay nagkaroon ng literal na kahulugan. Talaga yatang “Adios, Patria Adorada” (Farewell, Beloved Country) na.

Saan kaya tutungo ang ating bansa. Kailan kaya magkakaroon ng pantay na pantay na karapatan ang mga kababayan natin sa batas, sa buhay, sa oportunidad, sa edukasyon at sa maraming bagay.

Tulad din noon, wala pang nagbabago. Ganito tayo noon ganito pa rin tayo ngayon. Hindi man sabihin, pero marami pa rin ang turing sa atin ay alipin. Alipin sa ibang bansa, alipin pa sa sariling bayan, hindi ng mga banyagang kastila, kundi ng mga kauri natin. Buhay pa rin si Capitan Tiago, Fadre Damaso, ang mga prayle, ang mga kauri nilang mapang-api, ganid at sakim, mga batas na mapanikil at di pantay, sistemang di makatao at pabor lang sa iilan at mga buwis na mapanikil at nakakamatay. Iba na ang panahon, maraming taon na ang lumipas, pero ganon pa rin halos ang sitwasyon, iba man ang kulay at uri pero iisa ang ugali at kalupitan.

Hanggang Kailan kaya? Hanggang kailan kaya tatagal? Makakakayanan pa kaya?

Bago ako magtapos at bago ko makalimutan, PEPE nga po pala ang palayaw ko at Jose naman ang tunay kong pangalan.

Kaarawan ko ngayon. Hunyo 19, naalala mo pa ba? Ang Noli at Fili, tanda mo pa rin ba?

Related post : Ang Tanging Ina N’yo!

4 comments June 19th, 2006

First Day High

Since start na ng classes ngayon sa Pinas, ang post na ito ay tungkol sa pasukan mula sa ilan sa mga bahagi ng e-mail ng ismi ko.

Naku, wag na ninyong ambisyunin kung ano pa ang ibang nakasulat doon sa e-mail. Pag iisipan ko pa kung dapat ilagay dito ng buong-buo ang nilalaman ng e-mail ni misis.

Sa ngayon ito na muna ang basahin ninyo. Di ko po inedit ang mga nakasulat sa bahaging ito.

Kanina noong tumawag ka nasa 3rd floor me ng UP Manila kasi First Day High ni nix sa scol, super excited nga, sabi niya officially “colegiala na iskolar ng Bayan na cya”.

Inaasar ng mga kuya niya, meron daw cya vow of Humility and Poverty so bawal ang mga branded na shoes, clothes, bags and foods. Kailangan daw puro pang masa lang ang kakainin, gagamitin at isusuot nya.

Ang sagot niya “excuse me, sa ating 3 Ako ang pinakamaliit ang gastos pero Ako ang pinakamataas na ang kurso at titulo, Ako ang magsusukli kay Daddy ng marami, Ako ang maiiwan kay Mommy.

Sabi nya miscellaneous daw ng mga kuya niya, tuition fees na niya ng maraming taon. Sabi ni Iwel “okay lang nix sumusunod ka naman sa footsteps ko”.

Natatawa na lang me sa kanila pero sabi ko wag kayong mapipikon.

Sana naka relate kayo sa post na ito.

10 comments June 16th, 2006

Previous Posts


Calendar

June 2006
M T W T F S S
« May   Jul »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Posts by Month

Posts by Category