DISAPPOINTED

June 7th, 2006

Bago ako magsimula, nais kung ipaalam sa inyo na simula sa araw na ito, Tagalog na ang gagamitin ko para di na ako mahirapan at madisappoint sa aking pag-e english. AT para rin, di na ako maguluhan kung tama ba ang english grammar ko o hindi. Tutal naman, malapit na ang Philippines Indepence day at saka Pinoy ako. Siguro ang paksa kong ‘disappointed‘ ay pwede ma irelate sa ating Kalayaan. Ilang taon na ba tayong ‘disappointed’ sa takbo ng bansa natin simula noong sabihin nating mga Filipino na tayo ay isang malayang bansa.

At isa pa siguro, di na gaano sasakit ang ulo ng ibang taong nagbabasa ng entry ko, kasi madi-’disappoint’ sila, lalo na yong mga foreigner kasi Tagalog ang entry kaya ang gagawin na lang nila, eh humanap ng ibang blag na hindi tagalog at maitindihan nila.

At isa pa, kung mag-slip man ang grammar ko dito, di gaano halata. ha ha ha… Sana di mabasa ito ng Professor ko sa Filipino.

Nakakatawa ang mga nakaraang araw ko. Halos yata ng mga taong nakausap ko ay “disappointed” sa mga kung ano anong bagay at mga buhay buhay.

Ang sabi noong isa ‘disappointed’ ako sa sistemang umiiral sa trabaho ko. “It is a total mess!” Walang malinaw na policy, accountability at yong usual na office protocol di nasusunod. Oo nga manager ako dito, pero di ko alam, merong isang kesehodang officer, dederestso sa staff ko na hindi man lang ako sinasabihan. peste!”

Noong isang araw naman, ang sabi noong nakausap ko, ‘disppointed’ daw sya sa performance ng local stock market kasi di na sya makabawi sa nalugi sa kanya. (Pinag-aralan mo kaya ang pinasok mo? Ano ka hello..)

‘Disapppointed” din ang sabi noong isang kakilala ko kasi ang anak daw nya na babae eh problematic. Di naman sya nag elaborate kung bakit problematic ang anak nya. (Buhay OFW!)

Yong isa namang acquaintance ko dito sa net na nagsisimulang mag-aral ng web-design, ‘disappointed’ din kasi yong design nya, hindi daw maayos. Bakit daw pag sa Firefox, okey ang display o rendering pero pag ang browser nya ay IE, sabog ang kanyang design. Ano daw gagawin nya? Baka daw meron ako IE fix. Ang sagot ko, madali lang yan, maglagay kay ng notice, “This site works best with Mozilla Firefox.” O di ba simple lang ang fix.

Pero ito namang kaibigan kong si Pedro, ‘disppointed’ din. Pero teka, wala yatang araw na hindi ‘dissappointed’ ang taong ito. Lahat yata ng bagay disppointed sya. Kahit yata sa mga bagay na hindi importante sa kanya ‘disappointed’ sya. Hindi kaya dapat na syang lumisan sa mundong ito para di na sya ma disappoint.

No, hindi tama ang inisiip nyo. Ang ibig ko sabihin, dapat lumisan na lang sya sa earth at magtravel sya sa kalawakan, sa buwan o kaya sa Mars. Siguro exciting ang buhay nya doon at di na sya lagi ‘disappointed’.

Ako pag minsan, ‘disappointed’ din, lalo na kung nalalaman ko na piso na lang ang lamang ko sa wealth ng pinakamayamang tao sa mundo. (Sino ba yon?) Gusto ko kasi, malaki ang agwat, mga PHP1.99 pwede na. LOL.

Ito namang si Kulas, ‘disappointed’ din kasi ang misis daw nya nagbisnis. Ang kinalabasan, nalugi at nabaon sa utang. Eh paano ba naman, ang sabi ng mga kamag-anak, ‘disppointed’ kami sa iyo. Kasi, angat ka naman sa buhay, di mo man lang kami tulungan. Iyon, ang siste, pinautang lahat ang pera pati puhunan, at noong kulang na ang pantulong, nangutang at nag garantor pa.

Ngayon, dahil wala namang pamabayad ang mga kamag-anak, nabaon ang misis sa utang. Ito ay dahil lang sa ayaw nyang ‘ma-disappoint’ ang mga kamag-anak. Tsk.. tsk..

Dahil, parang uso ang pagiging ‘disappointed’ parang gusto ko nang ma disappoint na rin. Kasi baka ma ‘disappoint’ ako pag nasabihan na bakit di ako sumusunod sa uso. Grabe ano.

Ano nga kaya, kung ang mga feelings ng tao ay matulad sa music, fashion, gadgets, etc…na from time to time ay nagiging uso, ano kaya ang kakahantungan ng mga tao?

Makikisunod ka rin kaya sa uso O hindi? Paano kung ang uso ay pagiging magagalitin at violente, meron pa kayang matitirang taong di baldado?

Kung sabagay, pwede ring sabihin, uso naman ngayon ang baldado. hehehehe.

Ang masasabi ko lang, bahala kayo sa buhay nyo. Gusto nyo yan, eh di sige! magpaka-’disappointed’ kayong lahat. Yan ang trip ninyo di ba? At saka di naman tayo close…

Maraming salamat sa inyo. Sana di kayo disappointed sa mga sinulat ko dito.

Ikaw, sis o tol, saan kayo disappointed. Sabihin ntyo nga sa akin?

Sa susunod na post ko, sasabihin ko kung saan ako disappointed at hate ko.

Tingnan ninyo ang mga links na ito: disappointed - Answers.com, , Yahoo, Google, del.icio.us. Marami pa akong alam na links pero di ko na isinanama dito.

Credits: The wav for correct pronunciation of disappointed from answers.com

Paunawa: Ang mga nabaggit na mga pangalan ay sadyang pinalitan ng may akda upang di mapagalitan o magkaroon ng kaaway.

Tags: ,

Entry Filed under: Daily Life

13 Comments

  • 1. myepinoy  |  June 8th, 2006 at 5:34 pm

    Just testing the icerocket here…

    rolly

  • 2. NarsNaPinay  |  June 9th, 2006 at 6:51 pm

    What about you? Are you not disappointed?

  • 3. ann  |  June 10th, 2006 at 8:08 am

    Ewan! Basta ako disappointed ako!

  • 4. Lerms  |  June 10th, 2006 at 10:53 pm

    ako….. hindi naman ako dissapointed in life…… its more on following my destiny …. guess my time has finally come to make changes in my life and i hope its for the best….

  • 5. me  |  June 11th, 2006 at 6:32 pm

    ann : ha ha ha, wala na ako magawa dyan. Ganyan talaga.

    Lerms : Good to hear that. Good luck sa yo kung ano man ang mga changes na yan sa buhay mo. Live Ur Life!

  • 6. racky  |  June 14th, 2006 at 11:13 am

    ako disappointed kc di natuloy EB namin ni SAM! :)

    pero di bale nakita ko naman si fafa Figo ng Portugal :P

  • 7. myepinoy  |  June 14th, 2006 at 9:05 pm

    Racky, mabuti naman at di ka disappointed. Hindi kaya yan sumisigaw ng “Darna”.

  • 8. racky  |  June 16th, 2006 at 6:16 pm

    hahahah! astig na astig SIYA! hmp :D

  • 9. me  |  June 16th, 2006 at 6:51 pm

    Pero mas astig ka. Kita ko post mo, ang tindi!! Di nga ako makapag comment, wala ako masabi….

    Pero dio, Ito lang ang masasabi ko “Darna, Lipad Darna!” para di kung ano ang mga naiisip mo. Gets mo?

  • 10. racky  |  June 16th, 2006 at 7:50 pm

    heheheh! ang sirena naputulan ng buntot,
    di na mukhang DARNA … manananggal yata
    ang kinalabasan :P

  • 11. me  |  June 17th, 2006 at 8:05 pm

    Racky… hindi mananggal yan. Kulang na lang dyan lata para maging sardinas….

  • 12. racky  |  June 17th, 2006 at 9:58 pm

    gute idee … madadagdagan na naman milyones ko :P

  • 13. PinoyBlog: The Philippine&hellip  |  July 5th, 2006 at 2:03 am

    DISAPPOINTED

    Nakakatawa ang mga nakaraang araw ko. Halos yata ng mga taong nakausap ko ay “disappointed” sa mga kung ano anong bagay at mga buhay buhay.
    Ang sabi noong isa ‘disappointed’ ako sa sistemang umiiral sa trabaho ko. “It is a total mess!” Wala…


Calendar

June 2006
M T W T F S S
« May   Jul »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Most Recent Posts