First Day High

June 16th, 2006

Since start na ng classes ngayon sa Pinas, ang post na ito ay tungkol sa pasukan mula sa ilan sa mga bahagi ng e-mail ng ismi ko.

Naku, wag na ninyong ambisyunin kung ano pa ang ibang nakasulat doon sa e-mail. Pag iisipan ko pa kung dapat ilagay dito ng buong-buo ang nilalaman ng e-mail ni misis.

Sa ngayon ito na muna ang basahin ninyo. Di ko po inedit ang mga nakasulat sa bahaging ito.

Kanina noong tumawag ka nasa 3rd floor me ng UP Manila kasi First Day High ni nix sa scol, super excited nga, sabi niya officially “colegiala na iskolar ng Bayan na cya”.

Inaasar ng mga kuya niya, meron daw cya vow of Humility and Poverty so bawal ang mga branded na shoes, clothes, bags and foods. Kailangan daw puro pang masa lang ang kakainin, gagamitin at isusuot nya.

Ang sagot niya “excuse me, sa ating 3 Ako ang pinakamaliit ang gastos pero Ako ang pinakamataas na ang kurso at titulo, Ako ang magsusukli kay Daddy ng marami, Ako ang maiiwan kay Mommy.

Sabi nya miscellaneous daw ng mga kuya niya, tuition fees na niya ng maraming taon. Sabi ni Iwel “okay lang nix sumusunod ka naman sa footsteps ko”.

Natatawa na lang me sa kanila pero sabi ko wag kayong mapipikon.

Sana naka relate kayo sa post na ito.

Entry Filed under: Daily Life

10 Comments

  • 1. ann  |  June 17th, 2006 at 12:09 pm

    naku! another aktibista na naman yan..hehehe.

    yung anak friend ko dito, bago napasok sa UP sa Iloilo(highschool yata) hiningan pa sya ng certification na dapat yung income nya eh hindi tataas sa P10,000/month.

  • 2. me  |  June 17th, 2006 at 6:16 pm

    @Ann: Thank you. Oo, yon nga ang isang requirement kasi socialized na ang tuition fee nila. Pag above 10k na, meron na bayad but mura pa rin, almost 6K. Pero kung talaga below 10k ang family income, sagot lahat ng government, pabahay, allowances, books and tuition fees.

  • 3. racky  |  June 17th, 2006 at 10:00 pm

    di ako maka-relate … makitid ang utak ko eh! tsk tsk

    wala lang … heheheh :D

  • 4. myepinoy  |  June 17th, 2006 at 10:04 pm

    Racky: Tsk Tsk… meron ka nakalimutan…..

  • 5. racky  |  June 18th, 2006 at 8:24 am

    alin? disappointed??? hahahah :P

  • 6. nix  |  June 19th, 2006 at 10:34 am

    uhmm.. excuse me po, ako po c nix.. kay bb. ann, huwag po kayong mag isip na aktibista na rin ako. isa lang naman po ang totoo, kami sa UP-Manila o kahit sa buong UP System, hinahangad lamang naman namin na makapagaral din ang mga hindi kayang magbayad ng napakamamahal na tuition fee.. sana po maintindihan ninyo kung may mga protesta sa aming banda dahil sa kasalukuyan ay malaking isyu po talaga ang nangyaring TFI o tuition fee increase sa kolehiyo ng medisina o college of medicine. hindi naman sa sumasali na ako pero alam ko na paglipas ng 4 na taon, ako na rin ang direktang maaapektuhan ng mga TFI dahil sa pagtahak ko sa linya ng medisina. gusto ko lamang na maintindihan ninyo o kung hindi man ay kahit malaman ninyo lamang kung bakit ang mga “upper classmen” namin ay walang tigil sa pagiging “aktibista”.

  • 7. nix  |  June 19th, 2006 at 11:12 am

    sa totoo lang po, noon, bago pa ako makapasok sa UP-M ay medyo iba pa ang tingin ko sa mga estudyante ng UP na nagproprotesta. pero ngayon, ngayon na nasa loob na ako at kahit kaunti ay alam ko na ang pakiramdam na maging isang “iskolar ng bayan”, naiba na ang aking paningin. dahan dahan akong namumulat sa mga hinain ng mga tulad kong “iskolar ng bayan”. ngayon ay nalalaman at naiintindihan ko na rin kung bakit sila ganoon o kung bakit pursigido silang magprotesta.
    sa bawat araw na pagpasok ko sa unibersidad na ito ay natutuklasan ko ang pinanggagalingan ng kanilang matinding dedikasyon at masidhing emosyon. siguro sa iba, hindi nila talaga maiintindihan sa kadahilanang hindi naman sila siguro nakakasaksi ng mga batang halos gumapang na dahil sa kagustuhang makapagtapos. o kaya naman ay hindi nila mararanasan na mapunta sa isang lugar na utak at lakas lamang ng loob ang sandata para makatapos sa kolehiyo.
    nais kong iparating sa inyo, hindi naman nagwewelga ang mga kuya at mga ate namin sa UP dahil sa gusto lang nila, nagkakataon lang na nais nilang ipaglaban ang karapatan ng mga estudyante. tulad nga ng nabasa ko kanina sa isang babasahing ipinamimigay nila, “…mariing naninindigan ang mga iskolar ng bayan na ang edukasyon ay karapatan at hindi pribilehiyo.” sana ay huwag ninyo naming isipin na pagproprotesta lamang nais naming gawin. sana ay kahit papaano ay makita ninyo ang punto ng kanilang paniniwala..

  • 8. me  |  June 19th, 2006 at 7:00 pm

    Nix : Anak, upeng upe na ang dating mo ah. hahaha.

    Yan ang anak ko!

  • 9. ann  |  June 26th, 2006 at 1:11 pm

    Ka Rolly, ngayon lang ako nakabalik dito, ang haba pala ng sagot ni Nix.

    @Nix, alam mo hindi naman aktibista ang tingin ko sa lahat ng mga taga UP, ang tatay mo kasi dugong aktibista kaya malamang isa sa mga anak nya ang sumunod sa kanya, yun lang ang point ko. Pero salamat sa haba ng sagot mo, mana ka nga sa tatay mo. (peace tayo ka rolly).

  • 10. myepinoy  |  June 26th, 2006 at 2:34 pm

    @ Ann: Musta na? Alam mo wala ka dapat ipag alala sa akin o sa anak ko. Okey lang sa akin at sa anak ko. At wag ka maninibago at madadala ha. Ganito talaga kami makipagtalastasan. ha ha ha.

    At saka, open naman itong comments box na ito, kahit ano ilagay dito ayos lang. Iginagalang ko ang opinyon ng mga taong nagagawi sa lugar na ito. At yan ang gusto kong mangyari, magkaroon ng malayang paliwanagan ng kuro kuro at paglalahad ng mga isipin.

    Simple lang naman ito, pag ayaw ko ng comment, isasara ko ito. Since bukas nga, ibig sabihin okay lang sa akin… teka sinabi ko yon di ba?


Calendar

June 2006
M T W T F S S
« May   Jul »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Most Recent Posts