Internet, blogs, life and me
“Ang kaibahan daw ng mahirap at mayaman ay diskarte. Ang mahirap nagiging mayaman kung meron diskarte, ang mayaman naman kung walang diskarte, nagiging mahirap.”
Ang isang tao, pag masidhi ang pagnanasang matuto o makagawa ng isang bagay mula sa wala, hindi maglalaon, makakagawa at makakahanap sya ng paraan para makamit niya kanyang mithiin.
Naalala ko pa noong nagsisimula pa lang ako magblog. Mahirap pa noon ang sistema ng pagbablog at karamihan meron bayad para magkaroon ka ng espasyo sa internet. Di tulad ngayon na lima singko na ang nag-aalok para gumawa ka ng blog sa kanila at libre pa. Noon din ang blogger.com ay meron pang bayad. Kung libre man meron itong ads sa ibabaw, pantustos daw sa operation nito hanggang mabili ito ng google. At ngayon nga libre na.
Maidagdag ko pa, ang internet connection noon ay limited lang atdi tulad ngayon na nagkalat saan mang sulok maging sa lugar na di mo alam kung saang parte ng mundo, meron ka mababasa na mga blogs.
Continue Reading 9 comments June 26th, 2006