Internet, blogs, life and me
June 26th, 2006
Ang isang tao, pag masidhi ang pagnanasang matuto o makagawa ng isang bagay mula sa wala, hindi maglalaon, makakagawa at makakahanap sya ng paraan para makamit niya kanyang mithiin.
Naalala ko pa noong nagsisimula pa lang ako magblog. Mahirap pa noon ang sistema ng pagbablog at karamihan meron bayad para magkaroon ka ng espasyo sa internet. Di tulad ngayon na lima singko na ang nag-aalok para gumawa ka ng blog sa kanila at libre pa. Noon din ang blogger.com ay meron pang bayad. Kung libre man meron itong ads sa ibabaw, pantustos daw sa operation nito hanggang mabili ito ng google. At ngayon nga libre na.
Maidagdag ko pa, ang internet connection noon ay limited lang atdi tulad ngayon na nagkalat saan mang sulok maging sa lugar na di mo alam kung saang parte ng mundo, meron ka mababasa na mga blogs dahil merong connection.
Ang unang karansan ko sa pag bablog ay doon sa pitas.com. Hangga ngayon ay buhay pa rin ito. Simple lang dito, gawa ka ng account at yon na, pwede na. Alam ba ninyo, na dito rin nagsimula ang interes ko sa pansariling pag-aaral ng HTML at kung ano ano pang bagay tungkol sa web design at publishing. Kasi naman, nagmukha akong tanga.
Noon, naiingit ako kapag nakakakakita ako ng mga blogs na may magagandang designs (themes) kaya sabi ko babaguhin at pagandahin ko rin ang dating na aking blog. Kung nagawa nila, kaya ko rin. Tiningnan ko kung merong option doon sa pitas.com. Sa kabutihang palad meron at pwede nga baguhin at pakialaman.
Sinubukan ko agad ang option doon na change your template. Pero pagbungad pa lang, nakasulat doon, “You must at least have a simple knowledge of HTML before you do this“. Napahinto ako. Ano baga ireng HTML na ito, at sa pagkaintindi ko noon, parang napakadelikado kung hindi ko alam ang mga ito. Medyo nabahala ako kaya di ko muna itinuloy. Ang pakiramdam ko, napakabobo ko yata, ito lang hindi ko alam. Natanim sa isip ko, ano nga ba itong HTML. Ang sabi ko dapat kung matutunan ito.
Simula sa araw na yon, niresearch ko kung ano nga ba ang HTML. Hindi ko tinigilan hanggang malaman ko ang pasikot sikot, paikot ikot at kung ano pang dapat makalikot. Napag-alaman ko na dapat matutunan ko rin ang CSS para mas madali pag gawa ng design.
Sa madaling sabi, nabuksan ang interes ko sa Web design. Maraming oras, araw at gabi ang ginugol ko dito at sa tingin ko malaking pera rin ang ginastos ko para matutunan ang mga ito. Di pa kasi uso ang DSL noon. Iba iba ang mga sites. Ang dami nila. Halos nakakahilo kasi iba iba ang style sa paggawa ng web page. Kaya bookmark dito, bookmark doon. Maraming virus din ang aking naka-enkwentro sa paghahanap ng mga materials. Ay naku, lagi akong puyat. Sa kalaunan, kahit pakonti-konti lang, lumilinaw na sa isipan ko kung ano ba talaga ang HTML.
Pero meron nakakatawa.
Meron pang problema, ano naman ang ilalagay ko dito. At isa pa, di naman talaga ako magaling magsulat. Sa simpleng salita, di ako marunong magsulat ng maayos lalo na sa Ingles. Marahil, dahil na rin sa lugar na ginagalawan ko. Dito kasi, ang Ingles, putol putol lang gamitin. Ingles barok kung baga. Sa office naman, di ba ang mga sulat dito ay memo o business writing lang, maiikli lang at ilang paragraph. Sabi nga, short, brief and concise.
Sabi ko, bahala na. Kung pagtatawanan ako ng mga maliligaw sa page ko, okay lang, di naman nila ako kilala. At saka, ano ngayon? Nabuo sa aking isipan at nagdesisyun ako; lalagyan ko na lang ng paliwanag na ang hangad ko ay matuto ng HTML, CSS at kung ano ano pa. (Kung baga, pansinin ninyo ang design, hindi ang sinulat ko.) At least alam na nila kung ano ang meron sa loob. Di na sila mag e-expect ng tamang panulat. Habang ganito ang aking pinoproblema, nagkaroon ako ng ideya, tutal naman, nagkalat ang mga e-mails tungkol sa mga jokes, mga panulat na pang inspirasyon, at iba iba pang mga subjects, pwede na muna, cut and paste na lang. Pag medyo, ganado ako, doon na lang ako babanat ng sarili ko at sisiguraduhin ko na bago ko ilabas, maganda ang pagkakagawa ko.
Dahil sa aking pag pupursigi, medyo naging madali na sa akin ang mga terminolohiya at mga codes na ginagamit ng HTML, CSS at nakagawa ako ng sarili kong design sa pitas.com Dahil sa bagong kakayanan na aking nakamit, di ako mapakali sa pag eeksperimento sa mga designs. Kadalasan nga, bago ng bago ang hitsura ng blog ko. At para pa mapahusay ko ang aking kaalaman, nagbukas din ako sa blogger. Kinalikot ko rin ang design o theme nito.
Subalit, hindi dito nagtapos ang aking mithiin. Di na ako kontento dito. Sabi ko sa sarili ko, dapat hindi lang ganito ang gagawin ko. Dapat makapagpalabas ako ng web page na totally ako ang may gawa at hindi nakadepende sa software ng pitas.com o blogger.com. Dapat, lahat ay sa akin. Dapat ako ang merong kontrol.
Muli, nagtrabaho ako para matupad ang mga mithiin ko. Unti-unti kong binuo sa aking computer ang mga codes ng mga pahina, hitsura at mga bagay na dapat sa isang full-blown website. Testing dito, testing doon ng mga links, nabigasyon at pati hitsura.
Dumating na nga ang tamang oras. Kailangan ilabas na ito sa buong mundo. Kailangan ipagyabang na ang aking pinagpaguran ng mahaba haba ring panahon.
Pero, saan at papaano?
Nalaman ko, di pala ganon lang yon. Kailangan meron ako teritoryo (domain) na paglalagyan ng aking mga files, address ng teritoryo ko (url) para malaman ng mga taong nagba-browse sa net at para din malaman ng mga internet servers kung saan ba ako nakalugar at maituro at maipakita ako sa taong nagba-browse.
Sa puntong ito naudlot ang dapat ay katuparan ng aking mithiin na maipakita sa buong mundo ang aking obra. Bagaman, ganito ang nagyari, di ako nawalan ng pag-asa bagkus, bumalik ako sa net at naghanap ng mga libreng site na pwede kung lugaran. Marami akong nakita. Iba iba ang mga alok, pero karamihan, meron kapalit. Siempre, mga banners o ads na automatic lalabas sa page mo. Meron sa itaas, meron sa ibaba, sa gilid at meron pa, halos kalahati ng espasyo mo.
Tuloy lang ang aking paghahanap. Hanggang sa.
Meron ako napansin na libreng host. Ang pangalan www.epinoy.com. Aba sabi ko, Pinoy siguro may ari nito. Di na ako nagdalawang isip, fill-up agad ng forms. Oops teka, ano ba gagamitin kung pangalan ng url ko? Ano ba ang description? Di ako handa dito. Di ko napag isipan ito.
Habang tinutuktok ko ang keyboard ng pc ko, tuloy tuloy ang takbo ng isipan ko. Maraming bagay ang sumagi sa isipan tulad ng pangalan ng anak ko, pangalan ng lugar ko at kung ano ano pa. Hanggang sa kumislap ang utak ko. Naalala ko doon sa mga nabasa ko, dapat daw, madali matandaan at madali i-type.
Ah alam ko na. Dapat dalawang letra lang. Para magmukhang akin ang site, inilagay ko my.epinoy. Swerte, available daw ang name. At ang title, dapat catchy. Tuloy pa rin ang kislap sa king isipan. Pakiramdam ko noon ito na. Malapit na. Sisikat na ang bagong website. Natapos ang form, submit agad. Mabilis naman ang response kaya hayun. Dali-dali kong inilipat ang aking mga pages and files. Hayun sya, buhay na ang aking page. Bumabandera sa net: Live Ur Life! sa http://my.epinoy.com/.
Hindi maipaliwanag ang tuwa ko noong makita ko ang aking gawa. Natupad din ang aking inisip at nag-pay-off ang pinagpaguran ko. Di na ako mukhang tanga. Alam ko na ito. ANG GALING GALING KO.
Yahoo, I made it. Kaya ko pala. Ganito pala ito. Kayang kaya pala pag gusto mo. Walang bagay na di mo matutunan kung ito ay bibigyan mo ng panahon, pag-iisip at dedikasyon.
Ang mga sumunod na pangyayari ay history na.
Kung ating pag iisipan, parang sa buhay din natin. Kung wala kang tiwala sa sarili mo na kaya mong gumawa ng isang bagay mula sa wala, wala ka talaga magagawa.
Ang narinig ko nga na sabi noong isang sikat na tao, “Ang kaibahan daw ng mahirap at mayaman ay diskarte. Ang mahirap nagiging mayaman kung meron diskarte, ang mayaman naman kung walang diskarte, nagiging mahirap.â€
Mga kaibigan, pag-isipan nyo. Paki iwanan lang ako ng inyong honest na comment sa ibaba. Pakidagdag na rin ang inyong saloobin kung nasalansan ko ng maayos ang kwento o nalihis sa usapin ang isinulat ko.
Maraming salamat.
Paalala: Ang dati kong site na nasa http://my.epinoy.com ay kasalukuyang gumagana pa ngunit di na ako ang magmemintini simula noong mamatay ang www.epinoy.com. Siguro, nakita noong webhost na meron na tagasunod ang page kong yon kaya binuhay nya at nilagyan ng mga Google ads.
Ang original na content ng site na ito ay inilipat ko ng ibang webhost at makikita dito Live Ur Life!
Entry Filed under: Daily Life
9 Comments
1. melai | June 27th, 2006 at 5:03 am
actually, marami akong site mo na nadaanan, ewan ko kung natatandaan mo sa isa kong comment sa isa sa mga page mo na … dami mo namang blog..
Ako rin parang napakalaking problem sa kin ang pagbablog, parang masyadong kumplikado dahil wala akong alam sa programming at higit sa lahat sabi ko ano ang ibablog ko. Parang feeling ko hindi naman ako marunong magsulat ano, lalo na pag gagamit ka ng ingles bilang medium.
Pero sabi nga, lahat napapag-aralan, lahat natututunan. Habang naeexpose ka sa isang bagay, lumalago ka sa partikular na bagay na iyon.
Basta sulong lang sa pagpapaunlad sa sarili!
Mabuhay ka!
2. racky | June 27th, 2006 at 1:48 pm
talagang kinarir mo pala ah!
di mayaman ka na ngayon, dami mo naging bahay, hehehe!
kuntento na ako sa bahay ko, mga kabakyaan lang
naman … cut & paste nga lang dahil di naman ako
writer pero atleast ngayon orig na mga putos ko
kapag diskarte naman sa totoong buhay na ang usapan,
ala eh nagawa ko naman na lahat ng gusto kong mangyari
sa buhay ko kaya ngayon mga misyon na lang ni darna ang
pinagkakaabalahan ko
sige … lipad na uli ako! hahahah!!!
3. myepinoy | June 27th, 2006 at 11:39 pm
@melai: OO, naalala ko ang comment mo. Tama ka, lahat ng napapagaralan. Lahat pwedeng matutunan, mabuti man o masama.
Maraming salamt sa yo.
4. myepinoy | June 27th, 2006 at 11:47 pm
@racky: di naman gaano. piso lang ang lamang ko sa milyones mo. Dito naman sa blog, kahit ano parang pwede gawin depende na sa webhost mo. Di ba ang blog nga ngayon ay ginagamit na rin sa kung ano ano bagay.
Di naman kailangan maging writer, kita mo ako trying hard na maging writer. Kahit naman papaano, nakakasulat din.
Yong mga putos mo, napapansin ko habang lumalaon eh gumaganda. Parang alak ba yan na habang tumatagal ay sumasarap.
Teka lang Darna, papaano ka lilipad eh masakit pa ang isang daliri mo dahil naipit ng bato mo. Hilig mo kasi sa botbal.
5. Lani | June 29th, 2006 at 2:09 pm
Tama ka, sa lahat ng bagay kailangan ang pagpupursigi. Tiyagaan lang iyan, sabi nga noong isang kasabihang pinoy, “walang matimtimang birhen sa matiagang manalangin.” Kailangang bigyan ng panahon ang sarili na mag-aral at matuto.
Wala sa edad ang pagkaalam ng kaalaman. Sa araw-araw ng buhay natin marami tayong natututunan mula sa maliliit na bagay na nakikita at ating nararanasan. Kailangang bukas ang isipan upang matutuhan ang isang bagay. Sa pagtuklas ng kaalaman, minsan nadadapa tayo, pero kailangang bumangon para matupad ang hinahangad.
O devah?
6. myepinoy | June 29th, 2006 at 2:36 pm
@Lani: Makabuluhan ang iyong tinuran. Ipinabasa ko ito kay kulas at napansin ko kumikislap na naman ang kayang mga mata. At narinig ko “analais and sintisays everones opinyon. Tama ka Lani, dapat laging bukas ang aking isipan.”
Kaya lang daw, ibig bang sabihin noon di na sya matutulog?
7. racky | July 1st, 2006 at 12:40 am
siempre naman, sayang lang ang kaka-click ko kung
di maging expert
botbal ka jan! di naman ako umiinom ng bier … mas masarap
wine lalo na red … di iyong dugong galing sa buntot ko
na sinaksak ng patalikod!!!
ingats na lang sila sa serenang may sungay!!! SERYOSO na yan!!! kahit maubos milyones ko, utang na lang ako ng piso sa iyo kung sakali …..
8. me | July 1st, 2006 at 12:52 am
Racky: Hayaan mo pag sumikat ako o naging presidente ng Pinas, ikaw ang gagawin kung opisyal puto-graper.
Aba, bakit kaya di pa naiisip ng mga chinese ang bagong concoction na yan. fresh dugo ng serena at alak.
Ano ka ba talaga, naguguluhan na ako sa yo eh. Serenang Darna ka ba?
Pag naging Prsidente ako, di mo na kailangang mangutang pa.
9. PinoyBlog: The Philippine&hellip | July 5th, 2006 at 2:09 am
Internet, blogs, life and me
“Ang kaibahan daw ng mahirap at mayaman ay diskarte. Ang mahirap nagiging mayaman kung meron diskarte, ang mayaman naman kung walang diskarte, nagiging mahirap.â€
Ang isang tao, pag masidhi ang pagnanasang matuto o makagawa ng isang bagay mula sa wa…