Analyze and Synthesize everyone’s idea
June 29th, 2006
Ang likas at natutunan mong kaalamang mag aral at makinig ng ibat ibang pananaw upang makabuo ng isang magandang bagay ay syang magtutulak sa iyo para magtagumpay. — myepinoy
Napabalita sa opisina na uso na naman ang tanggalan. Marami ang kinakabahan at nag-iisip ng kung ano-ano, dahil karamihan sa mga natitirang Pinoy (OFW) ay marami pang obligasyon sa buhay tulad ng mga anak na di pa tapos sa pag aaral, bahay at lote na binabayaran at kung ano-ano pang mga kadahilanan. Sa pananaw ng karamihan, hindi pa sila handa na mawalan ng trabaho lalo na sa panahong ganito.
Kumalat ang balita na maiinit daw ang GaMa (GM) lalo na sa mga ekspat, at gumagawa ito ng paraan para makahanap ng butas. Mayroong nakapagkwento na ang GaMa daw ay nag-iikot sa buong opisina at laging nag aabang sa mga pakalat-kalat na mga empleyado sa oras ng trabaho.
Habang naglalakad si Kulas, narinig niya ang dalawang kabayan na nag uusap.
Kabayan 1: Pre, balita ko malimit daw nakaabang ang GaMa sa may elevator na papunta sa parking. Kaya ako, naghahagdanan na lang, At least, madali ko makikita kung merong parating at makaiwas ako.
Kabayan 2. Aba, mas delikado yan, kasi lagi din sya nakaabang sa may hagdanan. Kaya, ako sa elevator na lang. At least mas mabilis at safe doon. Pag press mo ng button, doon ka na agad.
Dahil isa si Kulas sa di pa handa na mawalan ng trabaho, napaisip sya ng malalim. Pinag-isipan nyang mabuti kung alin sa dalawang narinig nya ang mabisang strategy kung sya ay tumatakas sa oras ng trabaho. Sa isip ni Kulas, parehong tama ang kanilang tinuran at nabuo sa kanyang isip, “Magaling ang kanilang ginagawa. Kaya, dapat ang gagawin ko, pagsasamahin ko ang parehong style nila. O di ba, three heads are better than one.”
Nakahinga ng maluwag si Kulas at pakiramdam nya, di sya magmimintis sa ganitong stratehiya. At medyo nagyabang pa. “Ibahin nyo si Kulas. Magaling, matalino, mabilis ang utak at creative gumawa ng solusyon.”
Isang araw, habang paalis na naman si Kulas para maglakwatsa, naisip nya, “Dapat i-implement ko na ang aking strategy. Buti na ang sigurado”
Kaya nga, dali-daling bumaba si Kulas sa hagdanan, pasilip-silip at ng makarating sa ibaba, umakyat naman sya na patakbo. Noong nasa itaas na, “Aba, tama nga si kabayan 1, safe ako dito.”
Habang humihingal pa, pinindot naman ni Kulas ang button ng elevator. Sumakay agad sabay pindot ng B (Basement). Nakababa ang elevator sa Basement. Sumilip-silip. “Safe din ito.Tama din kabayan 2.”
Noong nasa labas na si Kulas, buong pagmamalaki nyang sinabi sa sarili. “Ang galing mo talaga Kulas. Maganda ang plano mo. Dapat, ganito lagi ang gagawin mo araw araw para safe ka.”
Kaya nga, simula sa araw na iyon hangga ngayon, ganito na ang ginagawa ni Kulas tuwing siya ay tatakas sa oras ng trabaho. Bababa sa hagdanan ng dahan-dahan, sisilip-silip kung nandoon ang GaMa pagkatapos ay patakbong aakyat ng hagdanan pabalik sa second floor na kanyang pinanggalingan at saka doon sya sasakay ng elevator pababa ng basement.
At yan po ang strategy ni Kulas. Kung gusto nyo subukan o gusto nyo i-improve, iwan lang kayo sa ibaba ng inyong suhestyon. Ipaparating ko po agad sa kanya.
Entry Filed under: Daily Life, Si Kulas
18 Comments
1. Lani | June 29th, 2006 at 1:59 pm
Hindi kaya ikaw si KULAS? Biro lang po.
2. melai | June 29th, 2006 at 2:15 pm
Mang Kulas?
pabili nga ng tsinelas!
3. myepinoy | June 29th, 2006 at 2:28 pm
@Lani: Hayaan mo sasabihin ko kay Kulas ang sinabi mo. Nag aalala lang ako, kasi medyo may topak kanina si Kulas. Baka sabihin inglisin ako noon at sabihin, ” Who me, you, sim sim? wat ashim!”
4. myepinoy | June 29th, 2006 at 2:30 pm
@Melai: Sabi ni kulas, bakit daw tsinelas, di naman daw uso dito yon. Kung gusto mo raw sundals.
“Ang tatay ni mari walang panti”. Isipin mo raw kung bakit?
5. me | June 29th, 2006 at 11:35 pm
Mhalen : Sabi ni Kulas dito ka nya hinihintay na mag comment, bakit daw doon sa ekspat fil blog ka naglalagay?
6. mhalen | June 29th, 2006 at 11:38 pm
sorry po mang kulas d pa po kc ko sanay….galing nyo talaga!
7. me | June 29th, 2006 at 11:40 pm
Mhalen: Salamt daw sa bi ni Kulas. bata pa raw sya. kaya Kulas na lang itawag mo.
Salamat din
8. ann | June 30th, 2006 at 4:51 pm
Sabihin mo kay Kulas kung di pa sya handang mawalan ng trabaho eh di wag na lang maglalakwatsa.
9. me | June 30th, 2006 at 5:02 pm
@Ann : Alam mo matalino din pag minsan si Kulas kasi alam na nya agad ang mga isasagot sa mga comments. Meron na nga instruction sa akin eh.
Ang sabi nya, pag ganito ganito daw klase ang comment, ito daw ang isasagot, marami syang raket eh. Pero ayos na raw na isulat ko yong lakwatsa kasi at least ang dating daw ay parang enjoy sya sa buhay at parang papasyal-pasyal lang daw ang dating.
Okay din nga ano, di nga naman halata na rumaraket pa sya sa labas.
10. racky | July 1st, 2006 at 12:51 am
heheheh! kulasa???
11. racky | July 1st, 2006 at 12:53 am
masagot kaya ni kulas yan?
12. me | July 1st, 2006 at 12:54 am
Ay salamat naman at natawa ang Serenang Darna. Panalo ba Germany?
13. racky | July 1st, 2006 at 9:18 pm
Mang Kulas, pede magpabili ng bakya sa Fifth Avenue?
14. racky | July 1st, 2006 at 9:21 pm
panalo na naman sila fafa Figo
15. me | July 1st, 2006 at 9:30 pm
Racky: Kulas said, if you are in a hurry now, he can buy you a bakya made in Pakistan that is being sold in Batha (tamabayan at pamilihan ng mga Pinoy) If not he will buy you on his trip to NY. He doesn’t like the Saks Fifth ave store here.
Ang tanong, kailan kaya sya babyahe sa N.Y.?
16. markymark | July 3rd, 2006 at 8:45 am
hi just blog hoppin’… if u have time, pls. visit my pinoy entertainment blog @ http://markzchannel.blogspot.com
17. myepinoy | July 3rd, 2006 at 10:59 pm
I sure do. Thank you very much. I appreciate your dropping by here.
18. PinoyBlog: The Philippine&hellip | July 5th, 2006 at 2:12 am
Analyze and Synthesize everyone’s idea
Ang likas at natutunan mong kaalamang mag aral at makinig ng ibat ibang pananaw upang makabuo ng isang magandang bagay ay syang magtutulak sa iyo para magtagumpay. — myepinoy
Napabalita sa opisina na uso na naman ang tanggalan. Marami ang kinakabahan…