Archive for June, 2006

Bored - Wala Lang

Noong Biyernes, mga 9:00pm nakatanggap ako ng text message sa isang kaibigan ko. Ang sabi, “Hala ano ang ginagawa mo? Working pa rin ba?” Huwebes kahapon, kaya weekend dito. Parang nakalimutan yata ng friend ko na di ko day-off ang Huwebes at Biyernes.

Anyhow, sinagot ko ang text nya. Ang sabi ko, “La na ako sa work. Nandito ako sa Tennis shop. Pinalalagyan ko ng string ang raketa ko. Ikaw saan ka na? Maya-maya ay uuwi na rin ako.”

Mga ilang sandali lang, sumagot muli ang aking friend. “Buti ka pa. Me dito sa haus di alam ano gagawin. Na bo2red na.”

Sumagot ako, “Eh kung maglaro ka na lang ng …. para di ka nabobored.” Sumagot agad, “Ewan ko sa yo, wala rin ako gana, tulog na lang me.”

Maabuti na lang wala siya gana, kung hindi, baka kulitin na naman ako at ma bored din ako sa napakarami nyang mga disapointments at mga sad stories sa buhay.

Bago ako umuwi ng bahay, napa-isip ako. Ano nga ba ang ibig sabihin ng BORED? Kaya pagdating ko, sinilip ko agad sa dictionary. At ito ang ilan sa mga nakasulat:

To make a hole in or through, with or as if with a drill.
To form (a tunnel, for example) by drilling, digging, or burrowing.
A hole or passage made by or as if by use of a drill.
To make weary by being dull, repetitive, or tedious.
One that is wearingly dull, repetitive, or tedious.

Sa mga definitions na nabanggit at base sa magulo kung pag-iisip, pwedeng i relate na kaya bored or nabobored ang isang tao ay dahil nagkakaroon ng butas ang utak - “a hole or passage, made by or as if by use of a drill”. Pansinin ninyo ang mga katagang “or as if by use of a drill.”

Kung ating pagtatagni-tagniin ang ibig sabihin, bored ka kasi may butass ang utak mo kaya ikaw ay “dumaranas ng kawalang gana, pisikal man o intelektwal, na tumingin, makinig at kung ano ano pa kahit ang mood mo ay di naman naka-set sa “tintamad mode”. Kaakibat nito ay ang malimit natin na pagsasabi nang salitang “bored ako”, “kaka bored” “boring”.

Ito marahil ang dahilan kung bakit merong mga taong gumagawa ng mga bagay bagay na walang kadahilanan. Di ba malimit tayong makarinig ng sagot na “Wala lang” sa tanong na “bakit mo ginawa?”

Kaya ngayon pag sinabi nyo sa akin na “bored ako”, ang pakahulugan ko dyan may “butas ang utak mo!.

Kung ako ang inyong tatanungin bakit ko napag-isipan ang mga bagay na ito, iisa lang ang sagot ko sa inyo:

“WALA LANG!”.

Gets Nyo?

10 comments June 13th, 2006

DISAPPOINTED

Bago ako magsimula, nais kung ipaalam sa inyo na simula sa araw na ito, Tagalog na ang gagamitin ko para di na ako mahirapan at madisappoint sa aking pag-e english. AT para rin, di na ako maguluhan kung tama ba ang english grammar ko o hindi. Tutal naman, malapit na ang Philippines Indepence day at saka Pinoy ako. Siguro ang paksa kong ‘disappointed‘ ay pwede ma irelate sa ating Kalayaan. Ilang taon na ba tayong ‘disappointed’ sa takbo ng bansa natin simula noong sabihin nating mga Filipino na tayo ay isang malayang bansa.

At isa pa siguro, di na gaano sasakit ang ulo ng ibang taong nagbabasa ng entry ko, kasi madi-’disappoint’ sila, lalo na yong mga foreigner kasi Tagalog ang entry kaya ang gagawin na lang nila, eh humanap ng ibang blag na hindi tagalog at maitindihan nila.

At isa pa, kung mag-slip man ang grammar ko dito, di gaano halata. ha ha ha… Sana di mabasa ito ng Professor ko sa Filipino.

Nakakatawa ang mga nakaraang araw ko. Halos yata ng mga taong nakausap ko ay “disappointed” sa mga kung ano anong bagay at mga buhay buhay.

Ang sabi noong isa ‘disappointed’ ako sa sistemang umiiral sa trabaho ko. “It is a total mess!” Walang malinaw na policy, accountability at yong usual na office protocol di nasusunod. Oo nga manager ako dito, pero di ko alam, merong isang kesehodang officer, dederestso sa staff ko na hindi man lang ako sinasabihan. peste!”

Noong isang araw naman, ang sabi noong nakausap ko, ‘disppointed’ daw sya sa performance ng local stock market kasi di na sya makabawi sa nalugi sa kanya. (Pinag-aralan mo kaya ang pinasok mo? Ano ka hello..)

‘Disapppointed” din ang sabi noong isang kakilala ko kasi ang anak daw nya na babae eh problematic. Di naman sya nag elaborate kung bakit problematic ang anak nya. (Buhay OFW!)

Yong isa namang acquaintance ko dito sa net na nagsisimulang mag-aral ng web-design, ‘disappointed’ din kasi yong design nya, hindi daw maayos. Bakit daw pag sa Firefox, okey ang display o rendering pero pag ang browser nya ay IE, sabog ang kanyang design. Ano daw gagawin nya? Baka daw meron ako IE fix. Ang sagot ko, madali lang yan, maglagay kay ng notice, “This site works best with Mozilla Firefox.” O di ba simple lang ang fix.

Pero ito namang kaibigan kong si Pedro, ‘disppointed’ din. Pero teka, wala yatang araw na hindi ‘dissappointed’ ang taong ito. Lahat yata ng bagay disppointed sya. Kahit yata sa mga bagay na hindi importante sa kanya ‘disappointed’ sya. Hindi kaya dapat na syang lumisan sa mundong ito para di na sya ma disappoint.

No, hindi tama ang inisiip nyo. Ang ibig ko sabihin, dapat lumisan na lang sya sa earth at magtravel sya sa kalawakan, sa buwan o kaya sa Mars. Siguro exciting ang buhay nya doon at di na sya lagi ‘disappointed’.

Ako pag minsan, ‘disappointed’ din, lalo na kung nalalaman ko na piso na lang ang lamang ko sa wealth ng pinakamayamang tao sa mundo. (Sino ba yon?) Gusto ko kasi, malaki ang agwat, mga PHP1.99 pwede na. LOL.

Ito namang si Kulas, ‘disappointed’ din kasi ang misis daw nya nagbisnis. Ang kinalabasan, nalugi at nabaon sa utang. Eh paano ba naman, ang sabi ng mga kamag-anak, ‘disppointed’ kami sa iyo. Kasi, angat ka naman sa buhay, di mo man lang kami tulungan. Iyon, ang siste, pinautang lahat ang pera pati puhunan, at noong kulang na ang pantulong, nangutang at nag garantor pa.

Ngayon, dahil wala namang pamabayad ang mga kamag-anak, nabaon ang misis sa utang. Ito ay dahil lang sa ayaw nyang ‘ma-disappoint’ ang mga kamag-anak. Tsk.. tsk..

Dahil, parang uso ang pagiging ‘disappointed’ parang gusto ko nang ma disappoint na rin. Kasi baka ma ‘disappoint’ ako pag nasabihan na bakit di ako sumusunod sa uso. Grabe ano.

Ano nga kaya, kung ang mga feelings ng tao ay matulad sa music, fashion, gadgets, etc…na from time to time ay nagiging uso, ano kaya ang kakahantungan ng mga tao?

Makikisunod ka rin kaya sa uso O hindi? Paano kung ang uso ay pagiging magagalitin at violente, meron pa kayang matitirang taong di baldado?

Kung sabagay, pwede ring sabihin, uso naman ngayon ang baldado. hehehehe.

Ang masasabi ko lang, bahala kayo sa buhay nyo. Gusto nyo yan, eh di sige! magpaka-’disappointed’ kayong lahat. Yan ang trip ninyo di ba? At saka di naman tayo close…

Maraming salamat sa inyo. Sana di kayo disappointed sa mga sinulat ko dito.

Ikaw, sis o tol, saan kayo disappointed. Sabihin ntyo nga sa akin?

Sa susunod na post ko, sasabihin ko kung saan ako disappointed at hate ko.

Tingnan ninyo ang mga links na ito: disappointed - Answers.com, , Yahoo, Google, del.icio.us. Marami pa akong alam na links pero di ko na isinanama dito.

Credits: The wav for correct pronunciation of disappointed from answers.com

Paunawa: Ang mga nabaggit na mga pangalan ay sadyang pinalitan ng may akda upang di mapagalitan o magkaroon ng kaaway.

Tags: ,

13 comments June 7th, 2006

My Online Shop Opens here

Welcome to my Online Shop. Online products like Unique Gifts, T-Shirts and more are available here

myepinoy Online Shop

 

Please click any of the images below to check the item.

The latest SHOP CATEGORIES that you can choose from are:

Enjoy YOUR Shopping. Thank you… myepinoy

2 comments June 1st, 2006

Next Posts


Calendar

June 2006
M T W T F S S
« May   Jul »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Posts by Month

Posts by Category