Archive for July, 2006
Tuwing may makakausap akong foreigner at nagtatanong sa akin na “How’s the Philippines, wala akong maisagot kundi magkibit balikat lang lagi. Ang tanong na “How’s the Philippines?†para sa akin ngayon ay isang simpleng tanong na may bahid na malisya, pang-insulto at hindi compliment.
At bakit naman? Sa tuno pa lang, alam mo na, na kaya sya nagtatanong eh sigurado meron na namang kabalbalan ang mga pulitiko at opisyales natin na nakaheadline sa mga dyaro, sa CNN o iba pa mang banyagang dyario at television.
Ano naman ang interes nya sa Pinas? Unless, meron s’yang malaking investment sa atin, may asawang Pinay o may anak sya Pinas. Di ba dapat ang tamang tanong nya ay “How are you?”.
Nalalala ko tuloy noong nag seminar ako tungkol sa Anti-money laundering. Akalain ba naman ninyong ang ginamit pang sampol tungkol sa kabuktutan (illegal money from corruption and gambling) ay dalawa sa sikat na Pilipino.
At sino naman yon? Eh di walang iba kundi si Macoy at si Erap! Hindi ko alam kung sinadya noong lecturer na taga Jordan para ipahiya ako o talaga lang na kasama yon sa materials tungkol sa anti money laundering.
At ito ang nakakakulo ng dugo. Noong makita nila ang mukha ng dalawang Pinoy na ito (kilalang kilala nila), lahat ng ibang lahi na nandoon ay sabay sabay na tumingin sa akin. Sa klase ng tingin nila, parang nababasa ko sa mga isipan ng mga hunghang na ito ay ganito “SHAME ON YOU FILIPINO!â€
I do not mind being looked at by people kasi handsome naman ako sabi ng nanay ko pero sa ganitong pagkakataon, ano naman ang gagawin at sasabihin ko. Kung sabihin kung di ko sila kilala at kahit ilitanya ko ang lahat ng magagandang bagay tungkol sa Pilipinas, hindi na maitatago na ang dalawang ito ay mga Pinoy at nangyari ang lahat sa Pilipinas.
Totoo man o hindi ang mga kasuka-sukang bagay na ginawa ni Erap at Makoy, hindi na mababago ang kasaysayan na nasaksihan ng buong mundo. Di ba tuwang tuwa pa nga tayo ng masipa at mapalayas natin sila sa pwesto? Paano ko ngayon mababago ang pag-iisip ng mga ibang lahing ito. Masisi ko ba sila?
Talagang SHAME ON ME! Ano pa ba ang mararamdaman mo sa mga oras na yon? Sabihin man ninyong may pagkapraning ako, wala ako magagawa. Iyon ang pakiramdam ko. At sino naman ang hindi mapapraning sa ganong sitwasyon.
Sana wala ako doon!
Anak talaga ng P…., kahit pilitin mong maging isang magiting na Pinoy sa labas ng bansa, kahit ingatan mo ang iyong pagkatao bilang Pinoy, maraming mga walang puso at balasubas na mga pulitko at opisyales natin ang nagkakalat ng dumi, sumisira at bumababoy sa puri ng lahat na matitino at nagpapakatinong Pinoy. Sa mga ibang lahi sa buong mundo, mababago pa ba ang naitatak sa mga utak nila – SHAME ON YOU FILIPINO!
Ang masasabi ko SHAME ON YOU TOO! Makitid ang mga utak nyo!
Ano nga kaya ang dapat gawin sa mga walang hiyang Pinoy na patuloy na yumuyurak sa ating dangal bilang Pilipino.
Ikaw, kabayan, papaano mo tatanggapin ang ganitong realidad na kaakibat sa pagka Pinoy mo? Sige nga Gloria, palamigin mo ang ulo ko. Joc Joc Bola-nte lang ito.
Kahalintulad na panulat: We are who we are.
July 16th, 2006
Totoo nga ang sabi ni Kulas, kahit ganon lang sya, di mo talaga sya maiisahan. Akalain mo na naisip nya na daanin sa withdrawal slip. Tama nga naman, walang lusot ang kausap nya.
“O ano pre, naniwala ka na. Sabi ko naman sa yo, kahit ganito lang ako, MATALINO at WA-IS TO-ITS! Si Kulas po ito, bow.”
Continue Reading July 15th, 2006
I was supposed to post this on my English(???) blog myepinoy’s BLOG but I changed my mind. Mas masarap kasi kung ikwento ito sa tagalog, parang tuyo at tsampurado kesa bacon and egg.
Nahirapan kasi ako doon sa isang term, yong island sa gitna ng kalsada. Naisip ko ang island normally ay lupa na sorrounded by water. Eh wala namang nakapaligid na tubig sa gitna ng kalye. Dalawa ang nakita ko sa dictionary, median strip (gamit ng mga Bitoy), hindi yong Stripper’s Strip ha, at traffic island (gamit ng mga Kanoto).
Anyhow, ito ang kwento.
I had my lunch early yesterday. I was feeling good. Just got the good news that it was going to be pabuya time. Three months of hard work, now, finally, the fruits come (hindi juicy fruit ha).
Noong pabalik na ako sa opis, meron ako napansin na mama na nasa traffic island (median strip) - ito ang nagpagulo. Medyo busy s’ya at may hawak hawak na bagay at parang binibilang nya. Sa kabilang kalsada naman, mabibilis ang takbo ng mga sasakyan.
Habang nandon sya, biglang dumaan ang malakas na hangin, parang maliit na ipo-ipo. Nagliparan ang mga papel, alikabok, mga tuyong dahon at kung ano-ano pang magagaang bagay na nasa lugar na yon. Mabilis lang. Ang mga bagay na natangay sa ere ay nagkalat na sa gitna ng kalsada.
Kasabay noon, biglang tumakbo ang mama patungo sa gitna ng kalsada at parang may pinupulot na mga papel. Di n’ya alintana ang mga mabibilis na sasakyang dumadaan. Wala syang pakiaalam. Dinig na dinig ko ang mga ingit at ingay ng gulong na kumayod ng matindi sa kalasada dahil sa biglaang pag preno upang maiwasan sya kasama pa ang mga sigaw - parang isang eksena sa mga pelikulang habulan ng mga sasakyan. (picture nyo?).
Tatlong kotse ang muntikan ng nakasapol sa mama.
I was about to open my big mouth and say the usual “S…..†but for whatever reason, my logical mind prevails. “If those were not that important, why would this person risk his life?â€
Minabuti ng mga kasunod na sasakyan na huminto muna (pwede ito dito, malimit ka makakita ng mga katutubo na humihinto sa gitna ng traffic para magk’wentuhan lang) at saka kinausap ang mama. Maayos naman ang usapan kasi nakita ko na karamihan sa mga drivers ay bumaba upang tulungan sya. Naririnig ko ang malakas na salita ng mama, “Malis, malis at shukran shukran.” (Sori, sori, salamat, salamat.)
Then he crosses the street going my way. When he is almost near me, I asked. “Sadik, What happened? You almost died there!â€
Ang sagot nya sa akin, (sa english, tinagalog ko na) “OO nga, kaya lang dapat ko mapulot lahat ng papel na natangay ng hangin na kumalat sa gitna ng kalsada. Dapat di mabawasan. Ito kasi ang perang kailangan ng Anak ko para mabuhay. Malubha ang karamdaman nya at kailangang maipadala ko agad ang perang ito!”
Malupit ano? Parang kanta, “the answer my friend is blowin in the wind, the answer is blowin in the wind.”
Ang sabi ni Confucius: “Ang maging mahirap na walang pagdaing ay napakahirap. Ang maging mayaman at ng walang kayabangan ay napakadali.”
July 12th, 2006
Naalala ko po noong nakaraan kung bakasyon, kausap ko po iyong isa kung ka tropa at napagkasunduan namin na magkita kami sa sa isang lugar sa may Pasay upang bisitahin ang isa pa naming katropa na matagal ng di namin nakikita. Di ko na po matandaan yong exksaktong lugar, medyo humina na ang aking memorya, dahil siguro sa kakablog. Pakiramdam ko blog addict na ako.Oo blog addict nga ako, ewan.
Anyhow, habang naghihintay ako, napaaga kasi dating ko, meron ako nakita na Internet Cafe. Sinipat-sipat ko at tila okey naman sya. Dahan dahan ako naglakad papunta sa Internet Cafe pero, noong malapit na ako sa pintuan, meron malaking karatula at nakapaskel, kulay pula pa ang letra.
BAWAL ANG ADDICT DITO!
Dahil di ko rin mapigilan ang urge ko na mag-internet at makabasa ng mga blogs, at para rin di ako mainip sa labas kakahintay sa makupad na kausap ko (baka nagbablog pa), sabi ko sa sarili ko, okay lang, di naman ako yan.
Kaya lakas loob akong pumasok, sabi ko sa counter “mag iinternet ako.” Medyo masama ang tingin sa akin, kasi naistorbo ko yata ang pag cha-chat nya. Tapos itinuro nya ako sa pc number 69. Medyo napangiti ako. Napansin nya ngiti ko kaya napangiti din sabay ang iling.
Langyang coincidence to, kagabi lang nag 69 ako, ngayon 69 na naman. OOOOOOPs, break muna! Liliwanagin ko lang baka kung ano na ang iniisip nyo sa 69. Hindi po ito yong 69 na katulad ng 88 ha. Ang 69 po ay term na ginagamit namin ng mga katropa ko sa tennis kasi ang oras o eskedyul po ng laro namin ay 6 pm to 9pm. Malinaw po ba?
Balik tayo sa kwento. Ang computer 69 po ay nasa bandang dulo, medyo malapit pero nakalihis ng konti sa may pasukan. Pag nakaupo ka dito, ikaw ay nakatalikod at nakaharap naman ng bahagya ang monitor sa may pasukan. Sana naintindihan ninyo kung saan at papaano ang pwesto nitong 69.
Kakasimula ko lang mag-open ng kinakainisan kung browser na IE ng biglang may nagsalita, May Addict!, May Addict!. Tapos yong tao sa counter, sumigaw, “Hoy Addict, Umalis ka nga dito, Di ba mo nabasa sa labas BAWAL ANG ADDICT DITO!”
Ngulat ako, dahil doon sa pwesto ko nakatingin. “Anak na baka naman, sabi nang di pwede ang ADDICT dito. Tinatakot mo mga customers dito!” sigaw ulit ng namamahala doon sa counter.
Nakatulala ako. Sabi ko, paano nila nalaman na addict ako. GANON NA BA KATINDI ANG PANG-AMOY NILA SA ISANG INTERNET AT BLOG ADDICT.
Biglang sumugod ang mama na nasa counter papunta sa lugar ko. Sabi ko naku, patay, ako nga yata ang pinagsasabihan. Tapos, nagsalita. “Bosing, di mo ba napansin yan. Nasa kabilang PC katapat nyo yung kumag na addict ng solvent.” Nilapitan ang pobre, medyo tenager na rugby boy na nakakubkub sa harap ng PC, at saka hinila papalabas ng mama. Ewan ko kung ano ang pinagtititripan doon. Siguro type lang magpalamig sa airconditioned room.
Medyo nahimasmasan ako. Akala ko ako na yong pinagsasabihan na may addict, may addict.
Tumahimik uli ang lugar. Tuloy tuloy na ang pag ba blog hopping ko. Hanggang sa tumawag na ang makupad kung kaibigan. “Pre dito na ako, saan ka na. Malamang nakababad ka na naman sa internet? Ang sabi ko, “OO kanina pa. halos isang oras na akong nag iinternet.” “TSK TSK grabe ka pre, alam mo naman may lakad tayo.” sabi ko “Baliw, dito ako sa internet cafe sa harapan mo. Ikaw ang makupad. Kanina pa ako naghihintay!”
Tapos na ako sa 69 kaya tumayo na ako. Habang nagbabayad ako sa counter, tinanong ko yong nagbabantay. “Brod, paano nakalusot yon. Kanina pa yata yon at mas nauna pa yata sa akin ah.”
“Bosing pasensya na, di ko napansin, kasi Addict ako sa internet eh.”
July 9th, 2006
Langya naman, itong mga nakaraang linggo, bago magkatapusan nang June at hangga ngayon, halos lahat ng nadaanan kung blogs, binabangit yong pelikula ng Taong Bakal, Superman Returns. Marami nagsasabi papanoorin nila, pinaonod na nila, maganda at kung ano ano pa.
Anak ng poteks, parang iniinggit ako. Bakit ka nyo? eh wala namang sinehan dito sa parte ng mundo na kinalalagyan ko. Bawal kasi. Kaya, papaano ko malalaman kung maayos o maganda nga ito kumpara doon sa napanood ko noon. Di ko malalaman hanggat wala pang piniratang kopya o dili kaya pag-uwi ko pa sa Pilinas.Poteks talaga!
Pero alam nyo, memorable ang pelikulang Superman sa akin lalo na yong theme song na Can You Read My Mind. Bakit kamo again? Paborito po ito ng eks-gf ko noong di pa ako sikat. Aba, grabe ang pagka-in-love ng dati kung gf sa musikang ito at pati sa akin sa loob ng labindalawang buwan. Pero paglipas ng isang taon, we broke up
Pakiramadam ko masyado na internalized at nag-sinked in sa katauhan ng girlfriend ko ang lyrics ng music na ito. Kaya nagsimula na syang magtanong.
Can you read my mind?
Do you know what it is you do to me?
Don’t know who you are.
Just a friend from another star.
Wala akong maisagot at di ko alam paano sagutin ang mga tanong na yon kasi di naman ako si Superman, si Singkit Man lang ako, ang taong singkit ang mata at hindi Taong Bakal. Kaya hayun, “See you around mr myepinoy. Hope we can still be friends”. Ang sabi ko, okay lang (pero sa isip ko good riddance — biro lang). Hope you find your Superman (ek ek ko, meron bang superman sa tunay na buhay?)
Lumipas ang mga araw, naging sikat ako, kasi nauso ang mga singkit. Ewan ko kung nakitype din sya sa mga singkit. Siguro naalala nya ako. At ngayon nga Superman Returns, baka o mas malamang maalala nya ako, ulit.
Here I am, like a kid at the school
Holding hands with a god or a fool
Will you look at me, quivering,
Like a little girl, shivering,
Hay buhay nga naman, parang life. Ano masasabi nyo mga ka tropa, has Superman Returns to you or not yet?
See English translation at myepinoy’s BLOG. T.Y.
July 7th, 2006
Previous Posts