TFC, pay-per-view, boxing and Kulas

July 4th, 2006

Kausap ko kahapon ng umaga si Kulas. Ibinalita nya sa akin na nanalo raw si Pac Man by unanimous decision. Ang sabi nya, “Pare ang tagal ng laban, umabot ng 12 rounds, hindi kaya pinaabot talaga hanggang doon para makapag praktis ng husto si Manny?” Sabi ko di ko alam. Di ako nakapanood kasi nakalimutan ko gumising ng maaga noong laban nya.

Akala ko yon lang ang sasabihin. Pero hindi pala, ganado pang magkwento si Kulas.

Kulas: Pre, di ba ang producer ng laban na yon ay?
Ako: Sya at ABS-CBN.
Kulas: Wala ka ba naamoy?
Ako: Na Ano?
Kulas: Wag na, baka kung saan pa mapunta ang usapan.

Biglang himinto si Kulas at tila may malalim na iniisip.

Kulas: Pre, balik tayo sa boksing, langya ang TFC, tindi tumaga sa pay per view. Alam mo ba na sa atin sa Pinas, para makapanood ka ng live broadcast ng laban ni Pac Man, punta ka lang sa SM Cinema, PHP300 lang ayos ka na. At sa ibang lugar, meron mga hotels na sa halagang PHP300 to PHP600, consumables pa, makapanood ka rin. Samantala dito sa atin, USD15.00 ang bayad. Kwentahin mo sa piso, Di ba mas mahal ito. Grabe talaga sila ano.

Buddy (bilang sumingit): Kaya sila natatalo at nilalampaso ng mga Kapuso ko.

Ako: Meron nakausap yong isang kakilalala ko, ang sabi kaya daw mahal ngayon eh wala na sponsor, di katulad dati na US10.00 lang. Di mo ba napansin dati, walang pahinga si Mama Sita sa kakalabas sa TFC tuwing break.

Kulas: Eh anong klaseng pay per view ito. Di ba sorbrang garapal ang raket nila. Bakit yon bang sa mga sinehan at sa hotels sa Pinas, meron ba commercial.

Ako: Ewan ko, di ko alam. la naman ako doon.
Kulas: Nagtatanong lang. Kase, parang taong gobyerno at mga pulitiko natin, garapal. At sigurado, ang mga hinayupak na pulitiko at si pandak, sasakay na naman.

Nagpaalam na si Kulas. Di ko alam kung saan na naman pupunta. Malamang maglalakwatsa na naman. Pero di pa nakalayo, bumalik at bumanat ulit.

Kulas: Sa susunod, meron pa ako ikukuwento. Garapal din.Ang serbisyo ng PEOA. Pre, teka, wag kang mag-iisip ng iba ha, bilib ako kay Pacquiao. Magaling talaga. Da best. Alukin kaya natin ng wealth or fund management services natin, para doon na tayo sa Pinas. Ano sa palagay mo? Magandang raket di ba?

At humirit pa.

Kulas: Natatandaan mo ba yong kanta, pinoy nursery rhyme yata tawag doon, na naririnig mo noong bata pa tayo. Yong kanta na “123 ang Tatay ni Mari, araw gabi walang Panty“. Alam ko magaling ka mag-isip pero ito ang tanong ko sa yo. Bakit walang panti? Pag aralan mo ang statement, meron syang logic. Sige pag-isipan mo, Batsi muna ako. You know, time is gold, especially for me, si Kulas ang inyong lingkod.

At dali daling umalis si Kulas.

Kayo ano ang dahilan bakit araw gabi walang panty?

Entry Filed under: Daily Life, Si Kulas

13 Comments

  • 1. melai  |  July 4th, 2006 at 7:57 am

    unang-una hindi siya nursery rhyme
    laro lang yan ng mga bata sa kalye
    me nursery rhyme bang tungkol sa panty?

    pangalawa, asawa ni marie or nanay ni marie yan
    dahil hindi naman nagpapanty ang tatay ni marie

    ngayon kung nanay ni marie yan, tiyak ko na nanay ni marie
    araw-gabi walang panty?
    uhmmnnn
    hostess or call girl nanay ni marie?
    at dahil sa kailangang kumayod ng kumayod para me pambayad sa pay per view ng mga lopezes e hindi na siya magsusuot nun
    kung baga hikab lang ang pahinga?

    di ko maisip e
    sirit na!

    mga lopez talaga dupang na sa rating
    dupang pasa pera ano

    sensya na sa mga words na ginamit ko :)
    kaw nag-umpisa e
    lol!!!

  • 2. myepinoy  |  July 4th, 2006 at 2:13 pm

    Melai: Dahil magaling kang mag analyze at ikaw ang unang tumugon sa tanong ni Kulas, handa syang bigyan ka ng konting pakonswelo. abangan mo at darating dyan sa yo.

    Sabi ni kulas, di nga nya sigurado kung nursery rhyme nga kaya nilagyan daw nya ng yata. Isa pa, isa daw ito sa paraan para malaman nya kung talagang binabasa ng mambabasa o naliligaw dito ang mga kalokohan nya.

    Walang problema sa mga sinulat mo dito. Okay lang. Kaya nga bukas ang comments box na ito eh. Walang naninikil ng malayang pamamahayag ng saloobin sa lugar na ito.

    Maraming salamat.

  • 3. racky  |  July 4th, 2006 at 2:34 pm

    eh boxer shorts kaya ang suot ng tatay ni MARIE,
    CALVIN KLEIN pa ang tatak!!! ;)

    ano naman kaya ang masasabi niya dito?
    sige nga … kulas da vinci

  • 4. myepinoy  |  July 4th, 2006 at 4:04 pm

    Racky: Pwede na rin pero di daw talaga yon ang sagot.

    Sabi ni Kulas, papadalhan ka rin daw nya ng premyo dahil malakas ang loob mo magpahayag ng iyong iniisip at damdamin.

    Pero di daw galing Fifth Avenue, Hintayin mo, darating sa yo.

    Salamat.

  • 5. PinoyBlog: The Philippine&hellip  |  July 5th, 2006 at 2:16 am

    TFC, pay-per-view, boxing and Kulas

    Kausap ko kahapon ng umaga si Kulas. Ibinalita nya sa akin na nanalo raw si Pac Man by unanimous decision. Ang sabi nya, “Pare ang tagal ng laban, umabot ng 12 rounds, hindi kaya pinaabot talaga hanggang doon para makapag praktis ng husto si Manny?…

  • 6. melai  |  July 5th, 2006 at 4:51 am

    nag-aantay ng pakunswelo :)
    tagalllllllllll!!!!

  • 7. me  |  July 5th, 2006 at 10:59 am

    Melai : check mo, napadala na ni kulas kahapon sa tinig, di ka tumitingiiiiiiiiiiiiiiin . di bale, meron pa today. salamat

  • 8. melai  |  July 5th, 2006 at 11:05 am

    hahahaha teka excited na ko tignan ko sa tinig grabeh anu kaya yun? :)

  • 9. melai  |  July 5th, 2006 at 11:13 am

    nakuha ko na po thanks :)

  • 10. racky  |  July 5th, 2006 at 1:18 pm

    bat sa akin wala pa???!!! :(

  • 11. racky  |  July 5th, 2006 at 1:47 pm

    di pala na-gets ni kulas ang sagot ko :P

  • 12. me  |  July 5th, 2006 at 2:17 pm

    Racky: Gets na ni Kulas. Ikaw daw di na mabiro. Sabi ni kulas mahirap daw magpadala dyan ngayon s inyo… kaya hintayin mo na lng daw, darating sa yo.

  • 13. melai  |  July 6th, 2006 at 6:39 am

    hehehehe inggit te neng ku :)


Calendar

July 2006
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Most Recent Posts