Superman Returns
July 7th, 2006
Langya naman, itong mga nakaraang linggo, bago magkatapusan nang June at hangga ngayon, halos lahat ng nadaanan kung blogs, binabangit yong pelikula ng Taong Bakal, Superman Returns. Marami nagsasabi papanoorin nila, pinaonod na nila, maganda at kung ano ano pa.
Anak ng poteks, parang iniinggit ako. Bakit ka nyo? eh wala namang sinehan dito sa parte ng mundo na kinalalagyan ko. Bawal kasi. Kaya, papaano ko malalaman kung maayos o maganda nga ito kumpara doon sa napanood ko noon. Di ko malalaman hanggat wala pang piniratang kopya o dili kaya pag-uwi ko pa sa Pilinas.Poteks talaga!
Pero alam nyo, memorable ang pelikulang Superman sa akin lalo na yong theme song na Can You Read My Mind. Bakit kamo again? Paborito po ito ng eks-gf ko noong di pa ako sikat. Aba, grabe ang pagka-in-love ng dati kung gf sa musikang ito at pati sa akin sa loob ng labindalawang buwan. Pero paglipas ng isang taon, we broke up
Pakiramadam ko masyado na internalized at nag-sinked in sa katauhan ng girlfriend ko ang lyrics ng music na ito. Kaya nagsimula na syang magtanong.
Can you read my mind?
Do you know what it is you do to me?
Don’t know who you are.
Just a friend from another star.
Wala akong maisagot at di ko alam paano sagutin ang mga tanong na yon kasi di naman ako si Superman, si Singkit Man lang ako, ang taong singkit ang mata at hindi Taong Bakal. Kaya hayun, “See you around mr myepinoy. Hope we can still be friends”. Ang sabi ko, okay lang (pero sa isip ko good riddance — biro lang). Hope you find your Superman (ek ek ko, meron bang superman sa tunay na buhay?)
Lumipas ang mga araw, naging sikat ako, kasi nauso ang mga singkit. Ewan ko kung nakitype din sya sa mga singkit. Siguro naalala nya ako. At ngayon nga Superman Returns, baka o mas malamang maalala nya ako, ulit.
Here I am, like a kid at the school
Holding hands with a god or a fool
Will you look at me, quivering,
Like a little girl, shivering,
Hay buhay nga naman, parang life. Ano masasabi nyo mga ka tropa, has Superman Returns to you or not yet?
See English translation at myepinoy’s BLOG. T.Y.
Entry Filed under: Daily Life, Internet, Music, Weblog
12 Comments
1. racky | July 7th, 2006 at 7:06 pm
HAHAHAH!!!
di ako makaisip (meron ba?) ng iko-comment…
nahanginan na yata pati utak ko, babalik ako
…..DARNA!
2. myepinoy | July 7th, 2006 at 9:32 pm
Racky: Ano na naman at di ka makaisip? Pag balik mo dahan dahan ang lipad at saka don’t drink and fly. Baka magaya ka sa katabi ni Superman sa dulo ng post ko.
3. ann | July 8th, 2006 at 8:57 am
Sa superman ka pala may naaalala. Natatawa lang ako kasi yung friend ko dito pag nakikita si andrew E. naaalala nya yung asawa nya. Theme song kasi nila eh “humanap ka ng panget.” Yun ang palabas sa movie nung first date nila.
May sinehan nga pala rito, kaya lang sa loob ng aramco pa. Nakapanood na kami. Basta may sponsor ka pwede kang makapasok.
4. melai | July 8th, 2006 at 7:04 pm
I was about to blog Superman …not superman returns ..kundi si superman mismo …kasi dati naalala ko ….. nung namatay si Christopher Reeve …. lagi ko hanap si superman e
….tapos nagbalik?? lol!!!! i wanna focus about his relationship with Lois Lane ..yun lang ….kung paano niya pinahihirapan si Lois Lane …… ganung mahal din naman pala niya ….kaines diba?
….i love that song Can you read my mind
5. myepinoy | July 8th, 2006 at 10:00 pm
Ann: Salamat. Okey din ang kaibigan mo. Ganyan yata ang pag-ibig.
Dito meron din sinehan sa mga Western compounds at doon sa base ng mga militar, pero ganon din, dapat meron ka sponsor.
Ikaw Ann, ano memorable sa yo na musika o pelikula? Di mo kasi nabanggit doon sa post mo noong anniversary day nyo.
6. myepinoy | July 8th, 2006 at 10:03 pm
Melai: Magandang subject nga yan. Meron ka na ba dyan?
Siguro lalo ka maiinis doon sa pelikulang “My Best Friend’s Wedding” o kaya doon sa You’ve Got Mail.
Ano sa palagay mo? Salamat.
7. melai | July 10th, 2006 at 6:50 am
wala pa po

nasa isip pa lang
naglalaro
naks naman
nanonood ka pala ng mga ganung tema
akala ko mga girls lang mahilig sa ganyang movie
hmmnn my bestfriend’s wedding
isa sa mga paborito kong movie yan
daming matututunan ang isang babaeng
desperada diyan
though talagang inis ako sa ending
ganun din naman sa you’ve got mail
pero nagkatuluyan silang dalawa in the end diba?
8. myepinoy | July 10th, 2006 at 11:02 pm
Melai: Pag wala ka sa Pinas at walang sinehan sa lugar na kinalalagyan mo, kahit anong klase pelikula, pianapanood mo. Pati nga mga nakasukang soap at shows na palabas sa TFC at GMA, pinapatos ng mga Pinoy dito, mapalalaki man o babae.
Dati nga yong kay Kristine at Marvin Agustin, tapos Kristine at Jericho, hit na hit dito. Ang iba pa nga gumigising ng maaga para makapanood. Kasi pag di mo alam ang nangyari, wala kang masabi o maikwento sa oras ng break. Grabe ano? Ang dami baduy dito. Siguro, mga homesik.
Pero pag nasa Pinas na, di naman gaano pinapansin ang mga palabas na ito.
Sana ipalabas dyan sa atin yong “Oshin”, Japanese telenovela sya, parang mala “Essence of A Woman.” Sigurado, relate na relate ang mga Pinoy dito kasi halos parehas ang pinagdaanang sitwasyon ng mga karakter at ng babaeng si Oshin sa sitwasyon ng mga Pinoy at Pinay.
9. niceheart | July 11th, 2006 at 6:17 am
Myepinoy, ganyan talaga ang mga babaeng in love. We wish that our partners can read our minds. Ganyan din ako nuon. Pero na-realize ko na kailangang sabihin ko sa aking partner kung ano ang aking gusto o nararamdaman dahil kung hindi, wala siyang clue.
10. myepinoy | July 11th, 2006 at 6:58 am
Niceheart: Oo, tama ka. Dapat talaga sinasabi ang gusto o nararamdaman para magkakaintindihan. Maraming salamat.
11. ann | July 11th, 2006 at 10:04 am
Wind Beneath My Wings…yan ang song ni KD para skin…
12. myepinoy | July 11th, 2006 at 10:44 am
Ann: Aba magandang song din yan. Hmm, Parang meron na naman akong naalala.