Archive for July 9th, 2006

User number 69

Naalala ko po noong nakaraan kung bakasyon, kausap ko po iyong isa kung ka tropa at napagkasunduan namin na magkita kami sa sa isang lugar sa may Pasay upang bisitahin ang isa pa naming katropa na matagal ng di namin nakikita. Di ko na po matandaan yong exksaktong lugar, medyo humina na ang aking memorya, dahil siguro sa kakablog. Pakiramdam ko blog addict na ako.Oo blog addict nga ako, ewan.

Anyhow, habang naghihintay ako, napaaga kasi dating ko, meron ako nakita na Internet Cafe. Sinipat-sipat ko at tila okey naman sya. Dahan dahan ako naglakad papunta sa Internet Cafe pero, noong malapit na ako sa pintuan, meron malaking karatula at nakapaskel, kulay pula pa ang letra.

BAWAL ANG ADDICT DITO!

Dahil di ko rin mapigilan ang urge ko na mag-internet at makabasa ng mga blogs, at para rin di ako mainip sa labas kakahintay sa makupad na kausap ko (baka nagbablog pa), sabi ko sa sarili ko, okay lang, di naman ako yan.

Kaya lakas loob akong pumasok, sabi ko sa counter “mag iinternet ako.” Medyo masama ang tingin sa akin, kasi naistorbo ko yata ang pag cha-chat nya. Tapos itinuro nya ako sa pc number 69. Medyo napangiti ako. Napansin nya ngiti ko kaya napangiti din sabay ang iling.

Langyang coincidence to, kagabi lang nag 69 ako, ngayon 69 na naman. OOOOOOPs, break muna! Liliwanagin ko lang baka kung ano na ang iniisip nyo sa 69. Hindi po ito yong 69 na katulad ng 88 ha. Ang 69 po ay term na ginagamit namin ng mga katropa ko sa tennis kasi ang oras o eskedyul po ng laro namin ay 6 pm to 9pm. Malinaw po ba?

Balik tayo sa kwento. Ang computer 69 po ay nasa bandang dulo, medyo malapit pero nakalihis ng konti sa may pasukan. Pag nakaupo ka dito, ikaw ay nakatalikod at nakaharap naman ng bahagya ang monitor sa may pasukan. Sana naintindihan ninyo kung saan at papaano ang pwesto nitong 69.

Kakasimula ko lang mag-open ng kinakainisan kung browser na IE ng biglang may nagsalita, May Addict!, May Addict!. Tapos yong tao sa counter, sumigaw, “Hoy Addict, Umalis ka nga dito, Di ba mo nabasa sa labas BAWAL ANG ADDICT DITO!

Ngulat ako, dahil doon sa pwesto ko nakatingin. “Anak na baka naman, sabi nang di pwede ang ADDICT dito. Tinatakot mo mga customers dito!” sigaw ulit ng namamahala doon sa counter.

Nakatulala ako. Sabi ko, paano nila nalaman na addict ako. GANON NA BA KATINDI ANG PANG-AMOY NILA SA ISANG INTERNET AT BLOG ADDICT.

Biglang sumugod ang mama na nasa counter papunta sa lugar ko. Sabi ko naku, patay, ako nga yata ang pinagsasabihan. Tapos, nagsalita. “Bosing, di mo ba napansin yan. Nasa kabilang PC katapat nyo yung kumag na addict ng solvent.” Nilapitan ang pobre, medyo tenager na rugby boy na nakakubkub sa harap ng PC, at saka hinila papalabas ng mama. Ewan ko kung ano ang pinagtititripan doon. Siguro type lang magpalamig sa airconditioned room.

Medyo nahimasmasan ako. Akala ko ako na yong pinagsasabihan na may addict, may addict.

Tumahimik uli ang lugar. Tuloy tuloy na ang pag ba blog hopping ko. Hanggang sa tumawag na ang makupad kung kaibigan. “Pre dito na ako, saan ka na. Malamang nakababad ka na naman sa internet? Ang sabi ko, “OO kanina pa. halos isang oras na akong nag iinternet.” “TSK TSK grabe ka pre, alam mo naman may lakad tayo.” sabi ko “Baliw, dito ako sa internet cafe sa harapan mo. Ikaw ang makupad. Kanina pa ako naghihintay!”

Tapos na ako sa 69 kaya tumayo na ako. Habang nagbabayad ako sa counter, tinanong ko yong nagbabantay. “Brod, paano nakalusot yon. Kanina pa yata yon at mas nauna pa yata sa akin ah.

Bosing pasensya na, di ko napansin, kasi Addict ako sa internet eh.

11 comments July 9th, 2006


Calendar

July 2006
M T W T F S S
« Jun   Aug »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Posts by Month

Posts by Category