Blowin in the wind
July 12th, 2006
I was supposed to post this on my English(???) blog myepinoy’s BLOG but I changed my mind. Mas masarap kasi kung ikwento ito sa tagalog, parang tuyo at tsampurado kesa bacon and egg.
Nahirapan kasi ako doon sa isang term, yong island sa gitna ng kalsada. Naisip ko ang island normally ay lupa na sorrounded by water. Eh wala namang nakapaligid na tubig sa gitna ng kalye. Dalawa ang nakita ko sa dictionary, median strip (gamit ng mga Bitoy), hindi yong Stripper’s Strip ha, at traffic island (gamit ng mga Kanoto).
Anyhow, ito ang kwento.
I had my lunch early yesterday. I was feeling good. Just got the good news that it was going to be pabuya time. Three months of hard work, now, finally, the fruits come (hindi juicy fruit ha).
Noong pabalik na ako sa opis, meron ako napansin na mama na nasa traffic island (median strip) - ito ang nagpagulo. Medyo busy s’ya at may hawak hawak na bagay at parang binibilang nya. Sa kabilang kalsada naman, mabibilis ang takbo ng mga sasakyan.
Habang nandon sya, biglang dumaan ang malakas na hangin, parang maliit na ipo-ipo. Nagliparan ang mga papel, alikabok, mga tuyong dahon at kung ano-ano pang magagaang bagay na nasa lugar na yon. Mabilis lang. Ang mga bagay na natangay sa ere ay nagkalat na sa gitna ng kalsada.
Kasabay noon, biglang tumakbo ang mama patungo sa gitna ng kalsada at parang may pinupulot na mga papel. Di n’ya alintana ang mga mabibilis na sasakyang dumadaan. Wala syang pakiaalam. Dinig na dinig ko ang mga ingit at ingay ng gulong na kumayod ng matindi sa kalasada dahil sa biglaang pag preno upang maiwasan sya kasama pa ang mga sigaw - parang isang eksena sa mga pelikulang habulan ng mga sasakyan. (picture nyo?).
Tatlong kotse ang muntikan ng nakasapol sa mama.
I was about to open my big mouth and say the usual “S…..†but for whatever reason, my logical mind prevails. “If those were not that important, why would this person risk his life?â€
Minabuti ng mga kasunod na sasakyan na huminto muna (pwede ito dito, malimit ka makakita ng mga katutubo na humihinto sa gitna ng traffic para magk’wentuhan lang) at saka kinausap ang mama. Maayos naman ang usapan kasi nakita ko na karamihan sa mga drivers ay bumaba upang tulungan sya. Naririnig ko ang malakas na salita ng mama, “Malis, malis at shukran shukran.” (Sori, sori, salamat, salamat.)
Then he crosses the street going my way. When he is almost near me, I asked. “Sadik, What happened? You almost died there!â€
Ang sagot nya sa akin, (sa english, tinagalog ko na) “OO nga, kaya lang dapat ko mapulot lahat ng papel na natangay ng hangin na kumalat sa gitna ng kalsada. Dapat di mabawasan. Ito kasi ang perang kailangan ng Anak ko para mabuhay. Malubha ang karamdaman nya at kailangang maipadala ko agad ang perang ito!”
Malupit ano? Parang kanta, “the answer my friend is blowin in the wind, the answer is blowin in the wind.”
Entry Filed under: Daily Life
6 Comments
1. myepinoy | July 12th, 2006 at 1:16 pm
Dagdag sa post na ito: Sa di ko pa alam ng mga pangyayari, ang memo ($$,$$$) na nagpasaya sa akin at mga kasamahan ko ay binawi muli makalipas lang ang ilang minutong pagpapasaya. Sa ngayon nasa ICU (ang memo) at under observation pa. Nanang ko po ilang buwan ng overdue ang pabuya na ito. Tsk Tsk.
2. melai | July 13th, 2006 at 7:40 am
kahit saang lugar may ganyang istorya ano? may ganyang drama …kaya minsan nagtatanong ka na lang sa sarili mo …. “saan nga ba patungo ang mundo …sabagay kasayasayan na yan …. kahit noong panahon ni Hesus o noong mas sinaunang panahon pa …. kailangang mabuhay ng tao …… sa kahit anu pa mang paraan …kahit ikamatay pa man ng kung sino.
3. Jayred | July 14th, 2006 at 12:02 pm
Heart-breaking naman yung linya ng mama. Hope his child will be healed soon.
4. me | July 14th, 2006 at 11:57 pm
@Melai: Oo nga. Bakit nauso pa kasi ang pera.
@Jayred: Sana nga makarating ang pera at magamit ng anak nya para gumaling. Kakalungkot isipin ang mga ganitong pangyayari.
5. ann | July 15th, 2006 at 10:09 am
Kawawa naman. muntik pang tangayin ng hangin yung pambuhay sa anak.
Alam mo ka rolly dito sa place namin ang dami kong nakikitang mga ibang lahi na naghahalungkat sa basurahan, dati wala namang ganyan dito eh.
6. me | July 15th, 2006 at 12:25 pm
Ann: Kawawa nga sya. Ilan pa kaya ang tulad nya na dumadaan sa ganintong pagsubok sa buhay. Mahirap isipin.
Pasalamat tayo sa Dyos at tayo ay okay.
Dito rin sa amin, meron mga taong sinasabi mo. Salamat.