Matalino at wa-is to-its
July 15th, 2006
Nadatnan ko si Kulas kaninang umaga sa opisina na masayang masaya. Abot nga sa tenga ang ngiti. Hindi pa ako nakakaupo sa aking trono, lumapit agad sya. Ang bungad agad sa akin “I have beaten them all. Nik nik nila. Tama ang forecast ko sa 1030.SE. Hindi siya naglaro ng malayo sa range ng presyo ko - 117 to 123.plus except doon sa isang trade na umabot ng 135 noong 09 July, marami nadali doon. Pero anomalya lang yon kasi di na na-sustain. Ibig sabihin, pinakagat ang marami, pinapasok sa bitag, tapos nag dump ng shares nya, then iniwanan sa ere ang mga kawawa. Sell-off ng pating sa market ang nangyari.”
Ang sabi ko, ano naman ang silbi nyan, kumita ka ba? Baka naman mainit na naman ulo mo at sasabayan mo pa ng tula na Sana nga.
Ang sagot nya sa akin, “SECRET. Basta panalo ako! Wala ng maraming tanong. Kakain tayo sa labas, doon sa favorite mo na Thai resto. Orderin mo lahat ng paborito mong putahe, sagot ko. At saka, kita mo naman, haba ng ngiti ko sa aking mukha. Di ba napakagwapo ko ngayon?”
Mariing BALIW ang sagot ko.Pakanta-kantang lumayo si Kulas sa pwesto ko.
Naintriga ako sa kanya. Ang alam ko, di naman sya bumili ng 1030.SE, paano nangyari yon. At saka karamihan sa mg kaopisina kung tumataya sa stock market ay nakakunot ang noo, dahil talunan noong nakaraang linggo. Bukod tangi, sya lang ang masaya. Ano nga kaya ang sekreto?
Mga bandang ala-una na. Bumaba ako at nakita ko ang mga kaopisina ko na nakaumpok doon sa may lobby sa harap ng isang screen na ginagamit ng mga customers para tingnan ang presyo ng mga stocks. At tulad ng dati kapag bagsak ang merkado, sari-saring hinaing ang maririnig mo. “Sayang, di ko pa agad ibenenta. Akala ko kasi hahatak pa pataas.” Ganito po ang eksena, pag libre ang mga empleyado at talunan.
Dumating si Kulas. Ganon pa rin, abot tenga ang ngiti at sabi pa, “I WON, I WON!“. Sabi noong isa, “I WON I WON! ka dyan, papaano magyayari yon? Bagsak ang SASI.”
Naiintriga talaga ako sa ikinikilos ni Kulas. Naisip ko baka nababaliw na naman ito. Minabuti kung tanungin siya kung ano ba talaga ang dahilan.
Ang sagot ni Kulas. “Alam mo kahit ganito ako, matalino at wa-is to-its. Ganito yan. Merong BOSING dito na mayabang at di naniniwala sa forecast ko. Lumaban sa akin, 1 is to 10 - 1 ko katapat ay 10. Yon, nasapol ng forecast ko, kaya ito, panalo ako. Kung magkano, wag muna tanungin.”
“Teka, teka, di ka pa rin naniniwala na nakuha ko na ang pera ano? Maiisahan ba nila ako? No Way!” Dahan dahan, dinukot ni Kulas ang wallet sa bulsa at kinuha ang isang kopya ng withdrawal slip. “Yan ang ebidensya. At nakuha ko na.”
Totoo nga ang sabi ni Kulas, kahit ganon lang sya, di mo talaga sya maiisahan. Akalain mo na naisip nya na daanin sa withdrawal slip. Tama nga naman, walang lusot ang kausap nya.
“O ano pre, naniwala ka na. Sabi ko naman sa yo, kahit ganito lang ako, MATALINO at WA-IS TO-ITS! Si Kulas po ito, bow.”
Meron pa ako tanong sa isip ko. May sinabi sa inglis si Kulas na “I have beaten them all!“. Ano nga kaya ang ibig niyang sabihin dito?
“It is a great ability to be able to conceal one’s ability.” - Francois de La Rochefoucauld, Maxims, 1665, French author & moralist (1613 - 1680)
Medyo may kaugnayan ang postang ito: Stock trading terms and your doctor
Entry Filed under: Daily Life, Si Kulas
2 Comments
1. melai | July 16th, 2006 at 9:15 pm
wala akong naintindihan stock market pala e
kaw nanalo ka ba natalo?
uhmmnnn
teka WAIS ka ata e ?
lol!
2. racky | July 17th, 2006 at 8:26 am
balato naman jan kulas