What is the English of..
Habang ginagawa ko ang isang post ko sa kabilang blog ko na may pamagat o titulong Am I normal or ab-ove normal?, may dalawang salitang tagalog ang nahirapan ako sa paghahanap ng tamang salita sa inglis.
Ang una po ay pakikisama. Ano nga ba ang eksakto o tamang salita sa inglis ng pakikisama? Marami akong ka opisanang Pinoy na tinanong pero wala ring maiisip na iisang salita sa inglis na akmang-akma. Dahil gusto ko talagang matutunan kung meron nga, pinuntahan ko ang kaibigan kung kano na dalubhasa sa English pero wala din syang masabi. Tulad ng mga naunang mga Pinoy na pinagtanungan ko, ang kanilang sinabi ay “something like or similar to†ang sagot.
Ang ikalawa po ay sayang. Ano nga ba ang eksakto o tamang salita sa inglis ng sayang? At tulad ng pakikisama, wala din itong equivalent o eksakto o nagiisang salita sa inglis.
Kaya, para matuloy ang post ko na Am I normal or ab-ove normal?, inilagay ko na lang na “similar toâ€. Sabi noong isa ilagay ko raw ay sounds like pero sabi ni Kulas di daw tama kasi di naman daw ito katulad noong game na nilalaro kapag hinuhulaan mo ang isang salita, bagay o tao. Nakakatawa daw kung ilalagay ko ay sounds like kasi ganito daw ang sounds like sa inglis “pak ke ke sa ma†at “say yangâ€. Iba ang tunog di ba?
Kung ating pag iisipan, talagang maganda ang ating wika, punong-puno ng buhay at talagang tumbok na tumbok ang kahulugan. Di na kailangan pang magpatumpik-tumpik pa o gumamit ng mga sets of word to describe something. Eksakto ito. Tagos sa puso.
Naiisip ko, ito marahil ang dahilan kung bakit tayong mga Pinoy, kapag merong mga maseselang bagay na gustong sabihin, di natin ginagamit ang salita natin. Halimbawa, tungkol sa sekswalidad (Love making instead of I***** or K+++++++), parte ng katawan (vagina instead of P*** or K—), pag galit (f*** you instead of P.I. mo), at kung ano ano pa. Kita nyo, di ko nga masabi ng deretso dito.
Pero teka, once and for all (ano tagalog dito?) ano nga ba ang inglis sa pakikisama at sayang? Dagdag ni Jeff na ka opisina ko, ano daw ang inglis sa “Pang-ilang pangulo ba si Erap?â€
O melai/malen, what is your comment or take on this? Hihintayin ko sagot mo.
12 comments August 21st, 2006