My broken shoes
August 30th, 2006
Pumila ako sa ABS-CBN para makasali sa Wowowee, isang noontime show. Ang dami namin. Sa kabutihang palad, natanggap ako bilang contestant sa Willie of Fortune. Kasi po, meron naman akong talent. Sa totoo lang magaling po talaga ako kumanta.
Sa araw ng palabas, masayang masaya ako. Kasama ko pa ang nanay ko na talaga naman parang stage mother ang dating. Todo po ang porma nya. Ako naman normal lang, nakamaong at naka rubber shoes.
Kinakabahan ako at siempre excited. Live ako sa buong mundo. Yehey, nasa TV na ako. Pero, nangyari ang kahindik-hindik sa national television at ito ang hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.
Noong tinawag na ako, dali-dali akong lumakad sa gitna, doon sa aming paglalaruan kung saan naghihintay si Kuya Willie, ang host ng show. Pero bago pa ako tuluyang makarating sa gitna, tumalsik po ang swelas ng sapatos ko. Opo, kita sa buong mundo, natanggal ang swelas ng kanang sapatos ko. At pati yong isa, napansin ni Kuya Willie na nakanganga na rin at malapit na ring bumigay ang swelas.
Nakakainis at nakatawa di ba? Mukha akong eng-eng o mukhang kawawa, depende na kung ano ang takbo ng utak ng mga nanonood ng oras na yon
Pero kahit ganito ang sitwasyon ko, tuloy pa rin. Nakangiti pa rin ako at di ako sumuko. Kahit paika-ika ako, at kinakaladkad ko ang sira kung sapatos, sige pa rin. Eh ano ngayon. Di naman ako anak ng mayaman eh. Ano naman pakialam nila sa akin at ano naman ang pakialam ko sa kanila. Kung mahihiya ako at di na tutuloy, ano naman ang mapapala ko. Hindi naman ang sirang sapatos ang talent ko. Di ba, hindi naman sya ang kakanta. Ako yon. And this is the moment. Ito na ang pagkakataon ko na maipakita ang galing ko sa pag awit. At take note, nakabroadcast po ito sa Buong mundo via The Filipino Channel. Kaya buong tapang, sa harap ng live audience, kumanta ako at tuloy lang ang pakikipagsapalaran. Sabi nga, the show must go on. My life must go on. With or without swelas ang sapatos ko.
Siguro po, magtatanong kayo bakit sirang sapatos ang isinuot ko?
Ewan ko ba, mapagbiro yata talaga ang buhay. Eh kasi ba naman, di ko makita yong matino kung sapatos, nawala sya eh. Di ko alam kung merong kumuha o talaga lang di ko makita dahil excited ako. Kaya hayun, naging very unforgettable talaga ang aking karanasan.
Kahit ganon ang nagyari, napatunayan ko sa sarili ko na kahit anong sitwasyon at katayuan ko sa buhay, kaya kung tumayo at lumaban.
At ito po ang maganda, sabi po ni Kuya Willie, babalik daw ang batch naming mga contestants para kumanta sa show na Wowowee. Opo, as in mag pe-perform kami. O di ba, talagang grabe, very unforgettable experience talaga ito.
Kung nakapanood po kayo sa TFC kahapon, Agosto 29, 2006, ang salaysay na ito ay tunay na pangyayari sa buhay noong isang batang contestant sa Wowowee. Ha ha ha. Akala ninyo ako yon ano. Pero alam ko na alam nyo na imposible yon kasi, wala pa naman Wowowee noong panahon ko. Bakit sa first person ang pagkaka-narrate? Eh kasi naisip ko, kung sumikat yong bata at ipasulat sa akin ang kanyang unforgettable experience, di ba dapat ganito.
Sa totoo lang, hindi naman yon ang point ko dito eh. Ang talagang gusto ko ipaalam sa buong mundo, tayong mga Pinoy ay talagang fighter, survivor at talagang angat sa iba.
Di ba, ganito rin ang sitwasyon ng bayan natin at mga mamamayan ng ating bansa. Maraming pagsubok tayong mga Pinoy na pinadadaan isa na rito ang kahirapan. Ang kawalan ng ikabubuhay, pagiging salat sa lahat ng kagaanan sa buhay. Kahit basic necessities marami sa atin wala.
Pero, kahit ganito man ang sitwasyon nating mga Pinoy, di tayo marunong sumuko. Kaya pa rin nating ngumiti kahit na halos sagad na sa buto ang kahirapan. At higit sa lahat, di tayo nagagapi ng kung ano pa mang balakid sa ating buhay bilang Pinoy. Kaya nating lagpasan ito.
At tulad ng karanansan noong bata, kahit na merong taong kumuha o nandugas ng matinong sapatos, na maihahanlintulad natin sa mga mandarambong na pulitiko natin, hindi tayo mapipigilan sa pakikibaka.
At ito ang buod ng istoryang ito.
Mabuhay ang mga tunay na Pinoy!
Kaugnay na panulat sa Inglis :Â Â Â Â Â Â Â Â Â Â Â Â
More than a thousand words
We are who we are
The digger of the ditch
Deal or No Deal: a matter of common sense
Entry Filed under: Advocacy, Daily Life, Si Kulas
5 Comments
1. ladybug | August 30th, 2006 at 2:45 pm
Hahaha…kala ko nga experience mo yun eh. Anyway, I agree. Fighter talaga ang mga pinoy.
2. My thought zigzags «&hellip | August 30th, 2006 at 10:34 pm
[...] A little bit lighter : My broken shoes [...]
3. Lani | August 31st, 2006 at 2:11 pm
Matiisin kasi ang mga pinoy, tinatanggap ang lahat kahit bugbog na bugbog na.
4. ann | September 3rd, 2006 at 8:43 am
Kala ko rin naligaw ako, inisip ko wala ka na sa saudi.
Ang hirap kasi ng buhay sa atin kaya nagiging fighter ang pinoy. Kahit gaano kahirap ang malayo sa pamilya basta para sa future ng mga anak sige lang.
5. karmi | September 9th, 2006 at 12:22 am
we also watch wowowee dito sa bahay.. libangan na..
nakakaaliw tlaga ang pinoy.. lalo na ung magpapakita ng talent.. tamang, magkukwento ng nakakalungkot nilang buhay, iiyak tapos kapag itatanong na ang talent, lakas loob na magsasayaw, kakanta o magra-rap.. parang walang problema sa buhay..
kakabilib!