Posts filed under 'Advocacy'

Sigaw sa kamalayan - sa ating dekada

Hawak mo sa yong kamay ay panahon
Ang panahon ay ngayon
Ngunit kung ang ngayon ay gagawin mong kahapon
Ano pa ang silbi ng panahon
Mga paa ay ihakbang
Mga kamay ay itikom
Puso’t isipan ay tibayan
Ang pakikibaka
Ngayon ang umpisa
Daloy ng luha, kahirapang sigid
Dapat ng ibaon sa kahapon
Pag-asa’t tagumpay
Na sinikil ng iilan kahapon
Ngayon dapat ng angkinin
Ibagsak ang mga pasista at
Mapang-aping uri
Tanikalang gumapos
Sa mahabang panahon
Sa palad mo ay wawakasan
Ngayon na! Ngayon na!
Ang panahon
Ang aking kalayaan.

October 27th, 2006

My broken shoes

Pumila ako sa ABS-CBN para makasali sa Wowowee,  isang noontime show. Ang dami namin. Sa kabutihang palad, natanggap ako bilang contestant sa Willie of Fortune. Kasi po, meron naman akong talent. Sa totoo lang magaling po talaga ako kumanta.

Sa araw ng palabas, masayang masaya ako. Kasama ko pa ang nanay ko na talaga naman parang stage mother ang dating. Todo po ang porma nya.  Ako naman normal lang, nakamaong at naka rubber shoes.

Kinakabahan ako at siempre excited. Live ako sa buong mundo. Yehey, nasa TV na ako. Pero, nangyari ang kahindik-hindik sa national television at ito ang hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.

Noong tinawag na ako,  dali-dali akong lumakad sa gitna, doon sa aming paglalaruan kung saan naghihintay si Kuya Willie, ang host ng show. Pero bago pa ako tuluyang makarating sa gitna, tumalsik po ang swelas ng sapatos ko. Opo, kita sa buong mundo, natanggal ang swelas ng kanang sapatos ko. At pati yong isa, napansin ni Kuya Willie na nakanganga na rin at malapit na ring bumigay ang swelas.

Nakakainis at nakatawa di ba? Mukha akong eng-eng o mukhang kawawa, depende na kung ano ang takbo ng utak ng mga nanonood ng oras na yon

Pero kahit ganito ang sitwasyon ko, tuloy pa rin. Nakangiti pa rin ako at di ako sumuko. Kahit paika-ika ako, at kinakaladkad ko ang sira kung sapatos, sige pa rin. Eh ano ngayon. Di naman ako anak ng mayaman eh. Ano naman pakialam nila sa akin at ano naman ang pakialam ko sa kanila. Kung mahihiya ako at di na tutuloy, ano naman ang mapapala ko. Hindi naman ang sirang sapatos ang talent ko. Di ba, hindi naman sya ang kakanta. Ako yon. And this is the moment. Ito na ang pagkakataon ko na maipakita ang galing ko sa pag awit. At take note, nakabroadcast po ito sa Buong mundo via The Filipino Channel.  Kaya buong tapang, sa harap ng live audience, kumanta ako at tuloy lang ang pakikipagsapalaran. Sabi nga, the show must go on. My life must go on. With or without swelas ang sapatos ko.

Siguro po, magtatanong kayo bakit sirang sapatos ang isinuot ko?

Ewan ko ba, mapagbiro yata talaga ang buhay. Eh kasi ba naman, di ko makita yong matino kung sapatos, nawala sya eh. Di ko alam kung merong kumuha o talaga lang di ko makita dahil excited ako.  Kaya hayun, naging very unforgettable talaga ang aking karanasan.

Kahit ganon ang nagyari, napatunayan ko sa sarili ko na kahit anong sitwasyon at katayuan ko sa buhay, kaya kung tumayo at lumaban.

At ito po ang maganda, sabi po ni Kuya Willie, babalik daw ang batch naming mga contestants para kumanta sa show na Wowowee. Opo, as in mag pe-perform kami. O di ba, talagang grabe, very unforgettable experience talaga ito.

Kung nakapanood po kayo sa TFC kahapon, Agosto 29, 2006, ang salaysay na ito ay tunay na pangyayari sa buhay noong isang batang contestant sa Wowowee. Ha ha ha. Akala ninyo ako yon ano. Pero alam ko na alam nyo na imposible yon kasi, wala pa naman Wowowee noong panahon ko.  Bakit sa first person ang pagkaka-narrate? Eh kasi naisip ko, kung sumikat yong bata at ipasulat sa akin ang kanyang unforgettable experience, di ba dapat ganito.

Sa totoo lang, hindi naman yon ang point ko dito eh. Ang talagang gusto ko ipaalam sa buong mundo, tayong mga Pinoy ay talagang fighter, survivor at talagang angat sa iba.

Di ba, ganito rin ang sitwasyon ng bayan natin at mga mamamayan ng ating bansa. Maraming pagsubok tayong mga Pinoy na pinadadaan isa na rito ang kahirapan. Ang kawalan ng ikabubuhay, pagiging salat sa lahat ng kagaanan sa buhay. Kahit basic necessities marami sa atin wala.

Pero, kahit ganito man ang sitwasyon nating mga Pinoy, di tayo marunong sumuko. Kaya pa rin nating ngumiti kahit na halos sagad na sa buto ang kahirapan. At higit sa lahat, di tayo nagagapi ng kung ano pa mang balakid sa ating buhay bilang Pinoy. Kaya nating lagpasan ito.

At tulad ng karanansan noong bata, kahit na merong taong kumuha o nandugas ng matinong sapatos, na maihahanlintulad natin sa mga mandarambong na pulitiko natin, hindi tayo mapipigilan sa pakikibaka.

At ito ang buod ng istoryang ito.

Mabuhay ang mga tunay na Pinoy!

Kaugnay na panulat sa Inglis :            

More than a thousand words
We are who we are
The digger of the ditch
Deal or No Deal: a matter of common sense

5 comments August 30th, 2006

Shame on you Filipino! Shame on me!

Tuwing may makakausap ng foreigner at nagtatanong sa akin na “How’s the Philippines, wala akong maisagot kundi magkibit balikat lang lagi. Ang tanong na “How’s the Philippines?” para sa akin ngayon ay isang simpleng tanong na may bahid na malisya, pang-insulto at hindi compliment.

At bakit naman? Sa tuno pa lang, alam mo na, na kaya sya nagtatanong eh sigurado meron na namang kabalbalan ang mga pulitiko at opisyales natin na nakaheadline sa mga dyaro, sa CNN o iba pa mang banyagang dyario at television.

Ano naman ang interes nya sa ? Unless, meron s’yang malaking investment sa atin, may asawang Pinay o may anak sya Pinas. Di ba dapat ang tamang tanong nya ay “How are you?”.

Nalalala ko tuloy noong nag seminar ako tungkol sa Anti-money laundering. Akalain ba naman ninyong ang ginamit pang sampol tungkol sa kabuktutan (illegal money from corruption and gambling) ay dalawa sa sikat na Pilipino.

At sino naman yon? Eh di walang iba kundi si Macoy at si Erap! Hindi ko alam kung sinadya noong lecturer na taga Jordan para ipahiya ako o talaga lang na kasama yon sa materials tungkol sa anti money laundering.

At ito ang nakakakulo ng dugo. Noong makita nila ang mukha ng dalawang Pinoy na ito (kilalang kilala nila), lahat ng ibang lahi na nandoon ay sabay sabay na tumingin sa akin. Sa klase ng tingin nila, parang nababasa ko sa mga isipan ng mga hunghang na ito ay ganito “SHAME ON YOU FILIPINO!”

I do not mind being looked at by people kasi handsome naman ako sabi ng nanay ko pero sa ganitong pagkakataon, ano naman ang gagawin at sasabihin ko. Kung sabihin kung di ko sila kilala at kahit ilitanya ko ang lahat ng magagandang bagay tungkol sa Pilipinas, hindi na maitatago na ang dalawang ito ay mga Pinoy at nangyari ang lahat sa Pilipinas.

Totoo man o hindi ang mga kasuka-sukang bagay na ginawa ni Erap at Makoy, hindi na mababago ang kasaysayan na nasaksihan ng buong mundo. Di ba tuwang tuwa pa nga tayo ng masipa at mapalayas natin sila sa pwesto? Paano ko ngayon mababago ang pag-iisip ng mga ibang lahing ito. Masisi ko ba sila?

Talagang SHAME ON ME! Ano pa ba ang mararamdaman mo sa mga oras na yon? Sabihin man ninyong may pagkapraning ako, wala ako magagawa. Iyon ang pakiramdam ko. At sino naman ang hindi mapapraning sa ganong sitwasyon.

Sana wala ako doon!

Anak talaga ng P…., kahit pilitin mong maging isang magiting na Pinoy sa labas ng bansa, kahit ingatan mo ang iyong pagkatao bilang Pinoy, maraming mga walang puso at balasubas na mga pulitko at opisyales natin ang nagkakalat ng dumi, sumisira at bumababoy sa puri ng lahat na matitino at nagpapakatinong Pinoy. Sa mga ibang lahi sa buong mundo, mababago pa ba ang naitatak sa mga utak nila – SHAME ON YOU FILIPINO!

Ang masasabi ko SHAME ON YOU TOO! Makitid ang mga utak nyo!

Ano nga kaya ang dapat gawin sa mga walang hiyang Pinoy na patuloy na yumuyurak sa ating dangal bilang Pilipino.

Ikaw, kabayan, papaano mo tatanggapin ang ganitong realidad na kaakibat sa pagka mo? Sige nga Gloria, palamigin mo ang ulo ko. Joc Joc Bola-nte lang ito.

Kahalintulad na panulat: We are who we are.

7 comments July 16th, 2006

Blogs as medium to protect people

I would like to ask you a very IMPORTANT QUESTION.

Can blog be used to protect someone? Would this medium help deter any threats from happening to someone?

What do you think are needed (photos, text messages, etc.) to make this as an effective deterrent?

Please let me know what you think. Just write/leave me a comment at the box below.

Thank you so much.

Notice: This post will run simultaneously in these blogs: myepinoy’s BLOG and Ekspat Fil Blog

Technorati Tags: , , , , , , , Nafisa

7 comments July 6th, 2006


Calendar

November 2009
M T W T F S S
« Aug    
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

Posts by Month

Posts by Category